Kabanata 51

1.9K 39 3
                                    

KABANATA 51 — Priorities

Nakarating kami ng hotel nang walang imik si Terrence bukod sa panaka-naka niyang tingin sa akin. Napapangiti na lang ako kada maiisip na dahil iyon sa aking mga sinabi. Nakakatuwang malaman na apektado siya sa mga salitang binitiwan ko kanina. It just proved that I am not the only one who’s always affected and uncomfortable here when it comes to sweet words and gestures. Kung naiilang pa rin ako sa mga simple ngunit sweet niyang kilos, ganon din naman siya sa akin. At ang malaman iyon ay mas nagpakuntento sa aking puso.

Huminto ang makina ng sasakyan at tumingin sa akin si Terrence. Nakaawang lang ang bibig niya nang pagmasdan ako at sumilip sa labas ng aking bintana. Akala ko ay hindi pa rin siya kikibo ngunit ang pagtaas ng gilid ng labi niya ang nagsabing tapos na ang mainit na tensyon sa pagitan naming dalawa.

“Nag-text na si Mama. Sa tingin ko dapat na tayong bumaba?” Patanong kong sambit habang tinataasan ng kilay ang unti unting paglapit niya sa akin.

Bumagsak ang tingin ko sa kamay niyang lumipat sa hita ko. “Oo, Therese. Kailangan na nga nating bumaba bago ko pa gawin ang iniisip ko kanina pa.” Utas niya at mas lumapit pa para abutin ang nakakabit kong seatbelt. Tinanggal niya iyon at ang leeg niyang nasa tabi lang ng ilong ko ay hindi ko maiwasang amuyin. Pumikit ako sa pabango niyang sa kanya ko lang naaamoy.

Pagdilat ko ay nakalingon na siya sa akin nang may nakangiting mga mata. “We should get out of the car now, love.” Aniya at lumayo na para makalabas ng sasakyan.

Natawa na lang ako sa aking sarili. Baliw na ata ako dahil kanina pa may kung anu-anong tumatakbo sa isip ko. Bumukas ang pinto sa gilid ko at lumabas ako kapit ang kamay ni Terrence. Inabot niya ang susi ng sasakyan sa isang hotel staff at iniwan na namin iyon doon.

Maraming taong patungong hotel na kagaya ng aming kasuotan. Marahil kasama sila sa magaganap na conference at party rito. Sinukbit ko ang aking kamay sa braso ni Terrence at siya ang nanguna sa aming pagpasok. May lumapit agad na receptionist at nagtanong kung saan ang aming punta. Si Terrence ang kumausap dito at hinatid kami ng babae sa elevator at binigyan ng direksyon na sa third floor ng hotel mahahanap ang function hall ng conference.

Sa labas pa lang ng function hall ay makikita nang sosyal ang magiging kaganapan sa loob. May mga mamahaling bulaklak ang nakatayo sa labas at tarpaulin kung saan nakasulat ang agenda na magaganap. Kinuha ko sa dala kong pouch ang aking cellphone para matawagan si Mama Bea.

“I am seeing familiar faces.” Ani Terrence sa gilid ko habang hinahanap ko ang numero ni Mama Bea. Nakapasok na kami at panay ang bati ng mga staff na aming nasasalubong.

“Gusto mo silang lapitan muna? Tatawagan ko lang si Mama.” Sambit ko habang nakatingin na rin sa mga taong nakikilala niya. Ilang sa mga tinitingnan niya ay matatanda na.

Nagkibit balikat siya at tinanggal niya ang kamay ko sa kanyang braso para lang kapitan ito. “No. Hindi naman sila importante at ayokong iwan ka.” Ngiti niya.

Pinagpatuloy ko ang pagtawag ngunit walang sumasagot. Bago ko pa ulitin ang tawag ay namataan ko na si Mama Bea na may kausap na babaeng mukhang kasing edad lamang niya.

Hiram Na Pag-ibig (Formosa Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon