Kabanata 4

2.9K 53 4
                                    

KABANATA 4 — Won

“Hey!” hinatak niya ako at walang pasubali akong napaharap sa kanya. Napangiwi ako sa diin ng hawak niya. “'Wag mo akong tatalikuran. 'Wag kang bastos.” Diin niya sa mga salita.

Nilingon ko ang mga tao. Walang nakakapansin sa kanila sa amin dahil tawanan sila ng tawanan sa kumakanta. Sila tatay ay nag-iinuman. Si Josef ay hindi ko makita. Pati si Iris at Tita Nora ay wala.

Hinarap ko ulit siya. “Parehas lang tayong bastos.” Taas ko ng kilay sa kanya. Tumawa siya at hindi makapaniwala ang kanyang mukha.

“Inamin mong bastos ka.” Ngisi niya. Hawak pa rin niya ang pulsuhan ko kaya naman pumiglas ako upang mabitawan niya iyon.

“Oo. Kaya aminin mo ring bastos ka.” Tinitigan ko ang mga mata niya.

“Alright. Bastos ako.” Tumigil siya sa pagsasalita at kumunot ang noo niya nang tingnan ako. Tinitingnan niya ako na parang kinikilala niya ako na parang nakita na niya ako kung saan. Pero imposibleng maalala pa niya ang isang beses na pag-uusap namin noon.

“Inamin mo nga.” Ngisi ako sa kanya, nagmamalaki at saka ako humalukipkip.

“So what? Give me Ivan’s contact number and address.” Utos niya na para akong katulong na dali daling susunod sa gusto niya.

Humalakhak ako ngunit maikli lang dahil sa kagustuhan kong maasar siya. “Why would I give you his contact number and address?”

Nanlaki ang mga mata niya. Natigilan siya ng ilang segundo at naisip kong baka dahil iyon sa pag-i-ingles ko. Bakit? Dahil ba sa ganitong lugar lang ako nakatira ay hindi na ako pwedeng makipagsabayan sa mga ingles niya? Well he’s wrong with that. Tandaan niyang iisa lang ang university na pinasukan namin. Parehas kaming tao at parehas kaming may pinag-aralan. Mayaman lang siya. That’s all he is.

“'Coz I need it. Give it to me.” Mariin ang boses niya at mukhang nakabawi na siya.

Wala akong alam sa impormasyong hinihingi niya pero hindi ko iyon aaminin sa kanya. I won’t even tell him the truth that I’m not Ivan’s wife. Wala namang masama kung iyon ang isipin niya. Bahala siya.

Ngumisi ako. “That’s not a good reason. Kailangan mo? Bakit?” sinundan ko pagtaas ng isang kilay ang pagtatanong sa kanya. I am becoming rude and I don’t care. Sa mga taong bastos katulad niya, kabastusan din ang dapat isinusukli.

“I need him to come back here and work for me. Again.” Nagmamalaki pa rin ang mga salita niya. Nakakainis dahil hindi manlang siya marunong magpakumbaba. Hindi ko lubos maisip na nakiusap siya kayla Iris at paano niya iyon ginawa. Parang imposible sa kanya ang pag-uugaling iyon.

“So?” Natutuwa na ako sa inaasta ko at na-e-enjoy ko ito. Lalo na ng suminghap siya. A sign of frustration, huh, Mr. Terrence Formosa?

“So give me his contact number and address!” kasabay ng sigaw niya ang tili ng kapitbahay ko. Mabuti naman dahil hindi namin makukuha ang pansin nila sa ingay naming dalawa.

Hiram Na Pag-ibig (Formosa Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon