KABANATA 27 — Higit
Nakarating kami ng resort na kung saan kami patungo. Labas pa lang nito ay napupuno na ng mga puno. Nagbukas ang malaking gate para sa amin at tinahak namin ang mabatong lupa papasok ng loob. Nakahanap si Terrence ng paradahan kahit na medyo maraming sasakyan. Dito pa lang ay malalaman mo na ang karamihan ng mga tao sa loob dahil maraming nakatambay at dahil na rin sa mga kotse.
“Mukhang nauna tayo sa kanila.” Sabi ni Ivan habang kinukuha ang cellphone at may kung sinong tinatawagan.
Bumaba kami ni Josef at nahuli si Terrence. Binuksan niya ang trunk ng kanyang kotse para mailabas ang mga gamit natin.
“Malapit na rin siguro sila.” Ani Josef nang lumapit kay Ivan.
Naiwan akong nakatayo sa tabi ng pintuang nilabasan ko. Sinulyapan ko si Terrence na inisa-isa na ang pagbaba ng aming mga gamit. Naglakad ako papunta sa kanya para kunin ang sa akin.
“Kukunin ko na 'yong akin.” Sabi ko sa kanya. Nakayuko siya roon at pati ako ay nakikisilip na rin.
Inabot naman niya ang bag ko. “Gaano kalaki ang bahay na nakuha mo?” Tanong niya at sinara na ang trunk. Saglit niyang tiningnan ang mga gamit niyang nasa lupa at saka bumaling sa akin.
Tumagilid ang ulo ko. “Hindi ko pa alam. Pero ang sabi naman ng nakausap ko ay kasya ang 10-15 na tao.” Sabi ko sa kanya. Nakalimutan ko nga lang itanong kung ilan ang mga kwarto.
Tinanguan niya ako at sinundan ko na lamang siya ng tingin nang lumapit siya kay Ivan. Nagpalit sila ni Josef at ngayon naman ay si Josef na ang nasa tabi ko.
“Tulungan na kita diyan.” Aniya at dinala ang mga gamit ko. Wala palang dala si Josef dahil nakasabay iyon sa van.
“Pumasok na tayo sa loob. Natawagan ko na si Iris. May mga pinamili raw sila Mama sa daan kaya nahuli sila.” Sabi ni Ivan. Tumalima kami at pumasok na nga sa loob.
Panay puno ng buko ang aming nadadaanan sa pagpasok. Hardin kung maituturing ang lugar dahil sa dami ng nakatanim na bulaklak sa paligid. May inakyat kaming batong hagdanan at pagkatapos niyon ay nakita na namin ang isang gawa sa kahoy na bahay.
Pumasok kami sa loob at nakisama sa mga taong nakabihis ng summer attire nila.
Napatingin ako sa tatlong lalaking kasama ko. Si Ivan ay malikot ang mga mata sa mga babaeng naka-bikini top. Inilingan ko na lang siya at lumipat ang mga mata ko kay Terrence na blanko ang mukha habang naglalakad kami sa reception area.
Si Ivan ang kumausap dito at nakita kong inabot sa kanya ng receptionist ang susi ata ng magiging bahay namin ngayon at bukas.
“May three bedrooms pala.” Ani Ivan.
Nasa isang lalaking staff na ang mga gamit namin at tulak tulak niya ang luggage cart kung saan nakalagay ang mga bag namin.
BINABASA MO ANG
Hiram Na Pag-ibig (Formosa Series #2)
General FictionNaranasan mo na bang manghiram ng isang bagay at ang pakiramdam na ayaw mo na itong iballik sa may-ari? Ang pakiramdam na nakikihati ka lamang at kahit kailan ay hindi ito magiging iyo lang? Iyong hindi mo masabi ang mga salitang "akin iyan" dahil a...