KABANATA 19 — Truth
Lumakad na ako para makaalis pero napatigil ako ng tikhim ni Terrence. Gusto ko siyang lingunin pero hindi ko naman magawa. Nagsisimula ang pagbilis ng tibok ng aking puso at kung titingnan ko pa siya ay baka kumawala na ito sa dibdib ko. Pinipigilan ko pa ang kamay ko na hawakan ang bibig ko. Nararamdaman ko pa ang init ng labi ko dahil sa munting halik niya kanina.
“Yes, Ivan. I forced her.” Ani Terrence sa kausap.
Pinsan ko na iyon. Ang pinsan ko na ilang beses nang nais kausapin ni Terrence. Ngayon ay magkausap na sila. Ngayon ay maaari na niya itong mapabalik muli sa kanyang bar. At ngayon, maaari na rin akong umalis dito dahil posibleng bumalik na ang pinsan ko.
Bumagsak ang tingin ko sa aking paa. Why aren’t you moving? We need to go.
Magpapaalam na ako kay Terrence. Ngunit nang lumingon ako ay umurong ang aking dila. Nakasandal si Terrence sa kanyang mesa at ang mata ay nananatili sa akin. Kausap niya si Ivan pero pakiramdam ko nasa akin lang ang atensyon niya. His eyes bore into mine. 'Yan ang mga matang ayaw kong tumitingin sa akin. Dahil parang hinihigop ako niyon at tinatanggalan ng lakas.
Umiling siya sa akin na parang alam na niya ang gusto kong sabihin. He doesn’t want me to leave.
Kaya nanatili ako. I suddenly changed my mind. I want to talk to him first. Ask what’s going on and then I’ll bid my goodbye.
“I’m sorry, Ivan.” Ani Terrence. “I forced Therese to work for my bar.” Nakita ko kung paano nilayo ni Terrence ang telepono sa tainga. Sa tingin ko ay sumigaw si Ivan.
Napaawang ang bibig ko sa kanyang sinabi. Punung puno ng sinseridad ang paghingi niya ng tawad kay Ivan. At inamin pa niya ritong nagtatrabaho ako para sa kanya.
“I’m sorry kung dinamay ko pa si Therese.” Ani Terrence. “I don’t really want to. But I have no choice. I need her here, Ivan. Ikaw naman talaga ang kailangan ko but I saw Therese’s talent and it helped my bar.” Sabi pa niya.
Huminto siya sa pagsasalita at nakinig sa kausap. Malamang ay hindi alam ni Ivan na nandito rin ako. Pero alam na niya na dito ako nagtatrabaho ngayon. Hindi ko alam ang tunay na intensyon ni Terrence kung bakit kailangan pa niya iyong sabihin kay Ivan. Pero ang marinig ang paghingi niya ng tawad ay napatunayan kong mabuti ang intensyon niya.
Ayaw nang gumalaw ng aking mga paa. Yumuko na lang ako habang naghihintay na matapos ang kanilang pag-uusap. Ramdam ko ang mga tingin ni Terrence na hindi ko na alam ang ibig sabihin. Mas madali sana kung palagi rin akong nakatitig sa kanya. Ngunit unti unti ko nang napagtatanto ngayon kung gaano kahirap makipagpaligsahan ng titig sa isang Terrence Formosa. Para kang nakikipag-argumento at ikaw ang palaging talo.
“I understand. I will…” Humihina ang kanyang boses. Hindi ko alam kung ano na ang pinag-uusapan nila dahil si Terrence lang ang naririnig ko.
Inangat ko ang aking mga mata at napansin ang pagpungay ng mata ni Terrence.
BINABASA MO ANG
Hiram Na Pag-ibig (Formosa Series #2)
General FictionNaranasan mo na bang manghiram ng isang bagay at ang pakiramdam na ayaw mo na itong iballik sa may-ari? Ang pakiramdam na nakikihati ka lamang at kahit kailan ay hindi ito magiging iyo lang? Iyong hindi mo masabi ang mga salitang "akin iyan" dahil a...