Hi! May FACEBOOK GROUP na po ang mga readers ng stories ko. Mag-join po ang may mga gusto at sabihin doon ang mga reactions niyo. Thank you!
Link: https://www.facebook.com/groups/575549389257871/?fref=nf
Or click niyo po yung EXTERNAL LINK sa right side.
---
KABANATA 34 — Kakampi
“So, bakit biglang nagtrabaho ka rito?” Tanong ni Carmela sa akin. Nandito pa rin kami sa loob ng maliit na hall kung nasaan nakatambay ang mga models.
Tinagilid ko ang ulo ko bago sumagot. “In-offer kasi sa akin. And it’s hard to find a new job kaya tinanggap ko na.” Pagsasabi ko ng totoo.
“New job?” Tumaas ng kaunti ang tono niyang nagtatanong. “Nag-resign ka na ba sa bar ni Terrence?” tanong niya.
Tumango ako. “Umalis na ako roon.”
“Why?” agaran niyang panghihingi ng dahilan.
“Mahabang kwento ang dahilan ng pag-alis ko.” Ngumiwi ako ng kaunti at nakita niya iyon.
Lumundag ang katawan niya habang nakaupo. Magkatabi kami sa iisang couch dito kaya napasabay ang galaw ng katawan ko sa kanya. “C’mon! Ikwento mo. I’m sure you can make the story short.” Aniyang hindi na mapakali.
Ngumuso ako at sa isip isip ko ay ayaw kong ikwento ito sa kanya. This is none of her business. Kaya nagkibit balikat na lang ako at sinabing, “Hindi naman pwedeng habang buhay akong singer sa bar niya.” Ngiti ko.
Umirap siya pero alam kong biro lang niya iyon dahil sa maikling tawa niya. “Fine. Ayaw mong ikwento. Probably, it’s a secret between you and Terrence.” Sarkastiko niyang salita.
Tumango na lang ako para matapos na itong usapan tungkol sa pagre-resign ko sa bar at masimulan na namin ang totoong dahilan kung bakit kami magkasama.
“So, anong matuturo mo sa akin ngayon?” Inip kong tanong hanggang sa napagtanto kong ang sama ng dating ko. “Kasi ang sabi ni Miss Ella, kailangan ko raw matuto agad.”
Tiningnan niya ako at tinaasan ng isang kilay. Ngumuso siya at pinakorte niyon ang mapulang labi niya. “Yes, you’re right. Sabi ni Ella, you need to learn how to act like a model. Like a real model, Therese.” Aniya habang pinagmamasdan ako ng maigi. “Okay naman ang fashion sense mo. Noon pa lang napansin ko na 'yan although medyo conservative tingnan.” Aniya habang sinusuri ang bawat anggulo ng aking katawan.
“Sexy ka rin at makinis. Konting work out at diet na lang at kasing katawan na kita.”
Agad kong pinagkumpara ang pangangatawan naming dalawa. Oo nga’t mas sexy siya at makorte ang katawan lalo na sa balakang. Hindi siya 'yong payat o malaman. Tamang tama lang ang bawat guhit ng anggulo ng katawan ni Carmela na makurba at hindi napagkaitan.
![](https://img.wattpad.com/cover/22472935-288-k182335.jpg)
BINABASA MO ANG
Hiram Na Pag-ibig (Formosa Series #2)
Ficción GeneralNaranasan mo na bang manghiram ng isang bagay at ang pakiramdam na ayaw mo na itong iballik sa may-ari? Ang pakiramdam na nakikihati ka lamang at kahit kailan ay hindi ito magiging iyo lang? Iyong hindi mo masabi ang mga salitang "akin iyan" dahil a...