Kabanata 24

1.9K 38 2
                                    

KABANATA 24 — The Girl

Nagising ako nang mabigat ang pakiramdam. Labis na konsensya ang aking naramdaman sa hindi ko pagsipot kay Terrence kagabi. Martes at babalik ako sa Fortune Fashions ngunit hindi ako makatayo ng kama sa kakaisip kung anong nangyari sa paghihintay niya. Did he wait for me? For how long?

Wala akong natanggap na text maliban doon sa sinabi niyang maghihintay siya. Kaya nga nang matulog ako ay binalewala ko na dahil baka naman umalis din siya dahil hindi naman ako nag-reply sa kanya. Pero ngayong napag-isip isip ko, baka nainis siya sa hindi ko pagsipot kaya hindi na siya ulit nag-text kahit na ngayong umaga. May isang salita si Terrence at siguradong ginawa niya ang sinabi niya hihintayin ako.

Lumabas ako ng kwarto upang maligo na at mag-ayos ng aking sarili. Hindi pwedeng tatamad tamad ako ngayong araw kahit na iyon ang pakiramdam ko. Maaga dapat ako sa Fortune Fashions kahit na hindi naman iyon ang utos ni Nash. Nakakahiya lang kasi sa kanya. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay may utang na loob ako sa kanya. Siguro dahil sa trabahong ito na binigay niya.

Nang makapaghanda ay bumaba agad ako at nakitang wala si tatay. Narinig ko lang ang boses niya sa labas kaya roon ako nagtungo upang magpaalam sa kanya.

“Oh, aalis ka, Therese?” tanong niya sa akin.

Nakabihis na ako. Hindi kagaya ng damit ko kahapon ang suot ko. Ngayon ay nakapantalon ako at hanging blouse. Siyempre ay sinigurado ko kung maayos ba ito para sa lugar na pupuntahan ko.

“Opo, 'tay.” Sagot ko. “Nakaalis na ho ba si Iris?” tiningnan ko ang kanilang bahay at walang nakita sa loob ng nakabukas na pintuan.

Tumango si tatay sa akin. Napalingon kami parehas sa sumisipol na si Josef na huminto rin nang makita ako.

“Maagang pumasok iyon dahil absent daw siya kahapon.” Aniya at ngumuso na lang ako.

Hindi ko na nakita si Iris kahapon. Hindi ko alam kung natulog na lang ba siya nung nawala siya.

“Aalis na rin po ako, 'tay. Kailangan maaga ako eh.” Sabi ko sa kanya.

Nilapitan niya ako. “Ano na bang trabaho mo ngayon?” Tanong niya.

Sumulyap ako kay Josef na nasa akin ang tingin. Maging siya ay nakabihis din.

“Sa isang fashion company, 'tay. Ipapaliwanag ko na lang po sa inyo kapag nakauwi na ako mamaya. Kailangan ko na hong umalis.” Sabi ko.

Hindi kagaya dati ay kampante ako ngayon na sabihin kay tatay ang trabaho ko. Mas maigi ito dahil hindi na ako nagsisinungaling.

“Osiya.” Tumingin si tatay sa gilid niya kung nasaan si Josef. “Papasok ka rin ba sa trabaho, Josef?” Tanong ni tatay at napakurap ako sa kinatatayuan ko. Mukhang may ipapakiusap si tatay at alam ko na kung ano iyon.

Hiram Na Pag-ibig (Formosa Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon