Kabanata 12

2.2K 47 2
                                    

KABANATA 12 — Responsibility

Pagkababa ko ng taxi sa harap ng aming looban ay nakita ko agad si Josef. Nasa gilid siya ng kanilang tindahan na mukhang pasara pa lang. Tiningnan ko ang oras at mag-aalauna na.

“Therese!” Tawag ni Josef na agad lumipat ang tingin sa taxi’ng paalis.

Ngumiti ako. “Hi, Josef.” Bati ko. Inaantok na ako kaya malumanay na ang tono ko.

Tiningnan ni Josef ang kabuuan ko. “Mag-isa ka lang umuwi? Naka-taxi ka pa?” Tanong niya. Nag-aalala ang mukha niya at hindi ko na maisip kung para saan kaya iyon.

Tumango ako. Naglakad ako patungo sa looban. Nakasunod naman siya sa akin.

“Bakit wala kang kasabay? Sana nagpasundo ka.” Bakas ang pag-aalala sa boses ni Josef. Naintindihan ko siya.

“Kaya ko naman.” Ngumiti ako. “Saka mabait naman 'yong driver.” Sambit ko dahil nababalitaan ko rin ang mga modus ng mga taxi driver lalo na sa mga babaeng pasahero nila.

Ngumuso si Josef sa akin. “Bakit kasi gabi ang duty mo? Hindi ba pwedeng umaga?” Tanong niya. Nakapamulsa siya at ngayon ko lang napansin na nakapang-alis pa siyang damit.

“Eh 'yon lang ang libreng oras na na-offer sa akin.” Kinagat ko ang labi ko dahil agad akong nakonsensya sa pagsisinungaling ko. Naramdaman ko ang cellphone kong nag-vibrate sa aking bag ngunit hindi ko iyon pinansin.

Bumuntong hininga si Josef. “Gusto mo sunduin na lang kita kapag umuuwi ka?” Tanong niya na agad kong inilingan.

“Hindi na.” Kahit pa kabado ay nagawa kong idiretso ang boses ko. Hindi pwedeng malaman ni Josef na nagtatrabaho ako kay Terrence dahil kilala niya kung sino ito.

Umiling ako ng isa pa nang makita kong hindi niya tinanggap ang sagot ko. “Ngayon lang naman ako umuwing mag-isa.” Totoo itong sinabi ko. “Pero madalas na may kasabay ako na taga dito lang din sa atin.” Salita ko.

“Babae?” Agad na tanong niya. Ngumisi ako roon.

Tumango na lang ako. “Oo. Babae.” Sambit ko.

“Hindi pa rin kayo safe. Susunduin na lang kita. Saan ba 'yang trabaho mo? Kung ganitong oras ang uwi mo, mapupuntahan kita dahil maaga naman ang labas ko sa trabaho—”

“Hindi na, Josef. Okay lang.”

Hindi siya nagpapigil. Tumawa na lang ako sa mga pinagsasabi niyang pwedeng mangyari oras na umuwi ulit ako ng mag-isa. Nakarating kami sa rape at kung anuano pa. Kinabahan naman ako roon at natakot din pero mas natatakot akong may makaalam na iba sa pagtatrabaho ko kay Terrence.

“Sure ka?” Sa wakas ay sumuko na si Josef. Kanina pa kami nasa tapat ng aming bahay at nakasampung beses na pamimilit ata siya sa akin.

Hiram Na Pag-ibig (Formosa Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon