Kabanata 41

2.2K 49 5
                                    

KABANATA 41 — Litrato

Mabigat ang pakiramdam ko nang magising ako kinaumagahan. Dahan dahan ko pang dinilat ang mga mata ko dahil nanghihina ang buong katawan ko na kahit simpleng pagkilos ay hindi ko magawa. May nararamdaman akong nakadantay na mainit sa tiyan ko at napakurap ako sa alaalang kasama ko si Terrence at siya ang katabi ko.

Agad kong nilingon ang kanyang mukha. Nag-init ang pisngi ko dahil nakalihis pala ang kumot at kita ang hubad kong dibdib. Inangat ko ito hanggang leeg ko bago muling binaling ang tingin sa katabi ko.

Nakadapa siya sa kanyang dibdib at nasa direksyon ko ang mukha niyang payapa sa pagtulog. Naglabas ako ng malalim na hininga. It happened. It happened so fast last night and it happened not just once. Batid ko pa dahil sariwa pa ang alaala ng kagabi. Pakiramdam ko ay pagod na pagod pati ang kalamnan at kaluluwa ko. Napalunok ako at hindi ko malaman kung matutuwa ba ako o mahihiya ka Terrence oras na magising na siya at mapag-usapan namin ito.

I’m not a virgin anymore. Kahit kagabi bago pa may mangyari ay hindi na ako birhen. Nalaman iyon ni Terrence kagabi. At nahihiya ako sa kanya dahil baka nagbago ang isip niya sa akin. Pero hindi naman 'di ba? He knows that I have a husband before. Alam na niya iyon simula’t sapul pa lang at marahil alam niya rin ang mas malalim na kahulugan niyon. Terrence is not my first. Pero iyon ang pakiramdam ko kagabi. Parang unang beses ulit. Lahat ay bago. Mga emosyon ko, ang kilos ng katawan ko, ang pagmamahal ko—bagong bago.

Nang ginagawa namin iyon kagabi ay walang tigil si Terrence sa pagbigkas ng pangalan ko at kung gaano niya ako kamahal. Sinabi at pinaramdam niya iyon sa akin. Buong puso niya akong minahal kagabi at ganun din ako sa kanya. I gave him everything and my very best to show him how much I love him. Kampante akong naiparamdam ko sa kanya ang lahat ng nais kong ipakita kagabi.

Gumalaw siya at isang ungol ang lumabas mula sa bibig niya. Ang kamay niya sa tiyan ko ay umakyat sa dibdib ko at doon niya ako niyakap ng mahigpit. Napalapit ako sa mukha niya kaya natukso akong halikan ang labi niya. Ang mga labing 'yan na humalik sa lahat ng parte ng katawan ko kagabi. Pati kaluluwa ko ay nadampian na rin ng labing iyan. Kakaibang ligaya ang pinaramdam niya sa akin at halu halong emosyon na hindi ko na maisa isa. Basta nangingibabaw sa lahat ng iyon ang pagmamahal ko sa kanya at ang kasiyahan ko sa piling niya.

Umayos ako at bahagyang umangat. Hindi ko na alintana na wala akong saplot sa ilalim ng kumot. Tinanggal ko iyon para malantad ang katawan niya. He’s wearing a small piece of clothing to hide his intimate part. Napalunok ako nang maalala ulit ang buong kaganapan kagabi.

“Terrence.” Tawag ko sa kanyang pangalan bago ako humilig at humalik sa balikat niya. Inangat ko pa ang halik hanggang leeg patungo sa pisngi niya upang mahila ko na siya mula sa pagkakatulog.

“Yes, love?” Tanong niya sa akin nang nakapikit. Napangiti ako dahil halatang antok na antok pa rin siya. It’s almost 6:30 in the morning. 10am ang call time para sa photoshoot and we still have enough time for each other.

Ngumuso ako sa tapat ng labi niya. “Hindi ka pa babangon diyan?” Tanong ko.

Hiram Na Pag-ibig (Formosa Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon