KABANATA 49 — I’m So Excited
Nagising ako sa init na nararamdaman ko sa gilid ng aking labi. Antok pa ang mga mata ko nang idilat ko ito at ang lamig agad ng paligid ang unang rumehistro sa isipan ko. Tiningnan ko ang madilim na paligid sanhi ng asul na kurtina. Hindi ko alam kung hinaharang lang ba nito ang liwanag o madilim lang talaga. Sa bawat galaw ko ay hindi huminto ang init na gumagapang na sa gitna ng leeg ko.
“Terrence…” Halos wala pa akong boses dahil kagagaling ko lang sa tulog. Gumalaw ako at nahiga ng maigi bago kinuha ang kumot pataas sa baba ko.
“Good morning.” Sambit niyang hindi malinaw dahil nakadikit sa balikat ko ang mga labi niya habang sinasabi iyon.
Ngumiti ako at saglit na niramdam ang init na dulot niya sa buong katawan ko. Tumatagos iyon hanggang kaluluwa ko at kung hindi pa ito nilalabanan ng lamig ng paligid ay baka pawis na pawis na ako.
“A-anong oras na?” Tanong ko habang hinahaplos ng hintuturo niya ang gitna ng dibdib ko.
“It’s five in the morning, love. You should sleep more.” Aniyang sinisiksik ang ulo sa leeg ko.
Saka lang rumehistro sa utak ko ang araw at ang trabahong naghihintay sa akin ngayong araw. “Lunes ngayon.” Sabi ko na mas nagmukhang ungol.
“Yes. May trabaho pa tayo mamaya kaya magpahinga ka pa.” Aniya. “I just want to feel you some more and then I’ll leave you so I could cook us breakfast.”
Hindi na ako nanlaban ngunit umupo ako para makita ko ang mukha niya. Sa munting liwanag ng dim lights ng kanyang kwarto ay napagmasdan ko ang mga mata niyang pula at halatang walang tulog. Nanliit ang mata ko roon at mas lalo lang ako nabahala nang maisip ko na baka puyat siya at hindi nakatulog.
“Nagpuyat ka? Natulog ka ba?” Tanong ko at nilagay ang palad sa pisngi niya. Umayos siya ng pwesto at sinundan ko ng tingin ang pag-upo rin niya.
Humugot siya ng malalim na hininga at sinandal pang lalo ang pisngi sa aking palad. Kinuha niya ang pulsuhan ko para itapat sa labi niya ang palad ko.
“I couldn’t sleep.” Pahayag niya.
Sinuri ko ang mga mata niya ngunit dahil sa kakaiwas niya sa aking paningin ay hindi ko iyon mabasa. “Bakit?”
Suminghap siya. “Binantayan kita. I’m scared that you will leave me once you wake up.” Pag-amin niya sa bagay na hindi ko alam kung bakit kinatatakot niya.
Kumurap ako at unti unti ay napagtanto ko ang kanyang ibig sabihin. Isa isang bumalik ang alaala kagabi. Ang mga nalaman ko tungkol sa nakaraan niya. Ang dahilan kung bakit hindi ko na siya kinausap kagabi at kung bakit natulog ako ng umiiyak. Halos makalimutan ko ang lahat ng iyon paggising ko. Ngayon ay pinaalala niya at natatakot siyang baka iwanan ko siya.
“Terrence…”
“Please. I still want to feel you beside me. Matulog ka pa. Please don’t leave yet—”
BINABASA MO ANG
Hiram Na Pag-ibig (Formosa Series #2)
General FictionNaranasan mo na bang manghiram ng isang bagay at ang pakiramdam na ayaw mo na itong iballik sa may-ari? Ang pakiramdam na nakikihati ka lamang at kahit kailan ay hindi ito magiging iyo lang? Iyong hindi mo masabi ang mga salitang "akin iyan" dahil a...