Yannah's POV:
I will love her 'til the end of my life... I love you Yllana Santos...
Nagpaulit ulit na nag-play sa tenga ko yung salitang yan. Ramdam na ramdam ko na ang panlalamig ng buong katawan ko at ang pagpapawis ng mga kamay ko. Naramdaman ko na lang ang pagkuha ni Jose sa kaliwang braso ko at isinukbit sa braso nya.
"Simula na." Sabi nya sa akin sabay ngiti. Tumingin ako sa altar alataran pero wala talaga akong makitang groom. Ilang sandali pa ay may tumugtog na ulit na kanta.
Sa pagpatak ng bawat oras ay ikaw.
Ang iniisip isip ko.
Hindi ko mahinto pintig ng puso.
Hinawakan pa ni Jose yung kamay kong nakasabit sa braso nya at nagsimulang maglakad. Nakisabay na rin ako sa paglalakad sa pulang carpet. Hindi naman ito tunay na kasal pero kabadong kabado ako, hindi ko na malaman kung ano na ang nangyayari sa buong sistema ko. Naiihi na ako na ewan na hindi ko na maintindihan. Dagdag pa dito yung mga professor na nanunuod sa kahibangan ng mga officer ng organization na ito.
Ikaw ang pinapangrap ngarap ko.
Simula ng matanto.
Na balang araw iibig ang puso.
"Hoy Jose lalaking lalaki ka ah. Bagay!" dinig ko pang sigaw ng isa sa mga estudyante nang malapit na kami sa altar altaran. Pero wala pa rin talagang lumalabas na groom.
Ikaw ang pag ibig na hinintay.
Puso ay nalumbay ng kay tagal ngunit ngayo'y nandito na ikaw.
Ikaw, ang pag ibig na binigay.
Sa akin ng may kapal biyaya ka sa buhay ko ligaya't pag ibig ko'y ikaw.
Nang nasa tapat na kami ng altar ay biglang nagsihawian yung mga estudyanteng nasa gilid namin kasabay ng mga nakabibinging hiyawan at tilian. Sinundan ko ng tingin yung pagkakahawi ng mga estudyante hanggang dulo nang may biglang lumitaw na bulto ng isang lalaking sinambot na yata lahat ng kagwapuhang inihagis ni Lord. May dala itong bulaklak at naglakad na papalapit sa kinapupwestuhan ko.
"Kyaaaaaaaah! Ang gwapo!" Tilian nung mga babae. Kung ako man ang nasa sitwasyon nila at sila ang nandidito, baka sinugod ko na nang yakap at tili yang lalaking yan dahil sa kilig.
"L-Lio?" napatingin ako sa white t-shirt nyang pinatungan ng itim na coat na lalong nakapagpagwapo sa kanya kaya halos himatayin na sa kilig yung mga babae dito. May na kaprint sa t-shirt nya na... 'Would you marry me?' Tapos ay napatingin ako sa t-shirt ko na may naka print namang 'Yes, I do.
Couple shirt pala itong binigay nya sa aking damit.
"Ang cute naman! Kaya pala iyan ang suot mo ah, couple shirt pala yan." bulong sa akin ni Jose sa gilid ko samantalang ako ay tulala lang sa papalapit na si Lio.
Mas lalong tumindi yung tilian at nagwawala na yung mga babaeng estudyanteng dinaanan ni Lio. Lumapit na sya sa akin sabay abot nung bulaklak. Naka style bulaklak lang sya pero hindi talaga bulaklak ang laman kung hindi mga chocolates. Halos mabasag na yung eardrums ko sa tilian ng ngumiti si Lio sa akin pagkatanggap ko ng chocolates. Kahit ako ay gusto ko ng magtititili at magtatatarang sa kilig pero pinipigilan ko ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
His and Her Heartbeats [Completed]
Teen FictionHe is a cold hearted guy or should other says a heartless jerk. Siya yung taong hindi titigil hangga't hindi nakakaganti sa mga taong ginawan sya ng masama, yan si Lio Avestruz. A simple and a cheerful yet a tough girl. Minsan hindi nya nakokontrol...