Yannah’s POV:
Halos mangiyak ngiyak na ako dahil kanina pa ako nag aabang ng jeep dito sa kahabaan ng daaan, pero laging puno, idagdag pa ang grabeng traffic dahil umulan ng malakas kanina. Hanggang ngayon eh umuulan pa din pero hindi na masyadong malakas.
Kumaway kaway ulit ako dun sa jeep na dumaan, pero nilampasan na naman ako, nagugutom na din ako. Wala na talaga akong pagpipilian, sasabit na talaga ako kapag hindi pa din ako hinintuan ng jeep.
Maya maya ay may nakita akong nakahinto na jeep dahil traffic, puno na sya ng pasahero at may isang lalaking nakasabit.
Sasabit na lang talaga ako, gusto ko na kasi talagang umuwi, inaantok na rin ako dahil halos alas nuebe na rin ng gabi. Mahigit isa’t kalahating oras na rin akong nakatayo at pumapara ng jeep dito.
Tumapat na ako sa bukana ng jeep at inihanda ang aking sarili sa pagsabit. Hindi nila ako pinasabit dahil sa babae ako. Hindi ko sila inintindi at talagang sumabit, gantong badtrip na badtrip na ako, bubutasin ko gulong nito para pare pareho tayong hinddi makauwi.
Peep peep!
Peep peep!
Peep peep!
Peep peep! Peeeeeeep! Peep peep!
Halos marindi na ang tenga ko sa sasakyang kanina pa busina ng busina.
Nilingon ko yung kotseng kanina pa busina ng busina, medyo tinted yung kotse pero makikilala mo naman kung sino yung taong nasa loob.
Pero teka lang, parang... parang... sabi na eh, pamilyar yung kotse na yun. Kotse ni Lio yun, kung ganun sya pala yung kanina pa busina ng busina.
“Ay!” napasigaw ako ng bigla bigla na lang umandar yung jeep, buti na lang at nahawakan ako ni Kuya na kasama kong sumabit. Maya maya pa ay huminto na ulit yung jeep.
“Hoy! bumaba ka na nga dyan!”
May narinig akong pamilyar na boses na nagsalita pero binalewala ko lang, busy ako sa pagkapit dito sa jeep. Mahirap na, baka biglang umandar ulit at matuluyan na akong mahulog, at least alerto na ako.
“Hoy!” sigaw ulit nung pamilyar na boses.
“Miss tawag ka nung lalake.” sabi sakin ni Kuyang katabi ko.
Paglingon ko ay nakalabas na yung ulo ni Lio sa bintana ng kotse nya at matamang nakatingin sa akin. Parang binibigyan nya ako ng tingin na –Bumaba ka na dyan dahil para kang tangang nakasabit dyan.
Pero hindi pa rin ako bumababa at nakatingin lang din ako sa kanya. Maya maya pa ay umusad na ulit yung jeep at dahil nga sa nakatingin ako kay Lio at nawala ang pokus ko sa pagkakahawak ko, napabitaw ako at alam na ang kasunod, nalaglag ako.
Pero hindi sa basang semento ng kalsada, kung hindi sa mga bisig ni Lio.
Wow! Telefortation? Agad agad nakapunta sya sa pwesto ko at nasambot nya ako? Hindi ko alam kung paano nya nagawa yun pero kumabog talaga ng todo ang puso ko na halos lumabas na sa ribs ko dahil sa kaba. Napatulala na lang ako sa mukha ni Lio na buhat buhat ako, pakiramdam ko eh tinakasan ng dugo ang mukha ko sa sobrang putla.
BINABASA MO ANG
His and Her Heartbeats [Completed]
Teen FictionHe is a cold hearted guy or should other says a heartless jerk. Siya yung taong hindi titigil hangga't hindi nakakaganti sa mga taong ginawan sya ng masama, yan si Lio Avestruz. A simple and a cheerful yet a tough girl. Minsan hindi nya nakokontrol...