Chapter 35:

2.2K 46 13
                                    

Yannah's POV:


“Thank you po Sir, Ma’am, balik po kayo.” Pagkaalis ng customer ay niligpit ko na yung mga kalat sa table.



“Hoy ikaw!”



Hindi ko alam kung ako lang ba o maging ang mga customers ay napatinigin sa kapapasok lang. Ilang saglit lang ay nagulat ako nang nagdirediretsong lumapit sa akin si Ynah at bigla na lang akong sinampal.



“Ang landi mo talaga! Sinabihan na kita na lumayo ka kay Lio. Isa ka lang naman palang dihamak na utusan ni Lio pero kung makahawak ka sa kanya, ganun ganun na lang?” galit na galit na sabi nito saka ulit ako binigyan ng isang sampal sa pisnge. Nag init na yung sulok ng mga mata ko habang sapo sapo ko yung pisnge kong nasampal.



“Ynah, tama na yan ano ba.” lumapit na si Ate Ella sa amin para awatin si Ynah.



“Charles tawagin mo si Lio.” utos ni Ate Ella kay Kuya Charles. Halos lahat ng customers ay nakatingin na din sa amin.



“Ynah ‘wag ka namang mag eskandalo dito sa Shop ng pinsan mo, mag usap kayo ni Yannah sa loob kung may problema kayo.”  Sabi ni Ate Ella habang nakapagitan sa aming dalawa ni Ynah. Ako naman ay nanatili lamang na nakatayo, sapo sapo ang pisngi kong dalawang beses na sinampal ni Ynah.



“Huwag ka ngang makealam dito! Bakit ba kasi nagha-hire dito ng malalanding crew!” tinabig ni Ynah si Ate Ella at muling bumaling sa akin. Hinatak nya ako sa braso.



“Sinabihan na kita hindi ba? Akala mo hindi ko malalaman na nilalandi mo si Lio? Ano bang ginawa mo sa kanya para mapapayag mo syang makipagholding hands sayo, ha?” bulyaw nito sa akin.



Hindi pa nakuntento si Ynah sa paghawak nya sa braso ko na halos bumaon na yung mahahabang kuko nito sa balat ko dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak nya. Binigyan nya ulit ako ng isang malakas na sampal pero sinalag ko na ito.



“Magpapaliwanag ako Ynah." Yun na lang ang nasabi ko kahit gustong gusto ko na syang patulan. Kahit gustong gusto ko na syang itulak, sakalin at sabunutan, pero hindi ko magawa, dahil iniisip ko na pinsan sya ni Carlo.
 


“Kung ganoon inaamin mo?  Nilalandi mo nga si Lio! Anong ginawa mo? Nilalagyan mo ba ng gayuma yung mga pagkain at inumin na binibigay mo sa kanya?” Hindi ako nagsalita, pinipigilan kong maiyak hindi dahil sa sampal nya kundi dahil hindi ko sya magantihan.  Nakakahiya na rin dahil pinagtitinginan na kami ng mga customers.



“Ynah, tama na sabi.” nakalapit na ulit si Ate Ella sa amin at pinipilit nyang tanggalin yung pagkakahawak ni Ynah sa braso ko.



“Sumagot ka ngang malandi ka!" muling sigaw nito sa akin. Napapikit na lamang ako nang aambahan na naman nya akong sasampalin.



“Ynah!” halos mag echo ang sigaw na iyon na narinig ko. Muli akong dumilat dahil kilalang kilala ko kung sino yun. Pagdilat ko, nakita kong nakahawak si Lio sa braso ni Ynah. Tinanggal din ni Lio ang isa pang kamay ni Ynah na mahigpit na nakahawak sa braso ko. Pakiramdam ko ay nakabaon na doon ang mga kuko ni Ynah.



“Mangkukulam yang babaeng yan. She's putting something on your food kapag wala ka kaya iba yung pakikitungo mo sa kanya. You better get rid of that girl!” sigaw ni Ynah kay Lio.



“Tumigil ka na pwede ba?!” sigaw naman sa kanya ni Lio.



“Tignan mo na, mangkukulam ka na malandi ka pa. Gaano karaming gayuma ang napakain mo kay Lio para maging ganyan sya sayo?Sabihin mo sakin!” ako ulit ang binalingan ni Ynah, aatras na sana ako sa kanya pero mabilis nyang nahablot ang buhok ko. Agad namang lumapit si Ate Ella at hinawakan ang kamay ni Ynah para matanggal sa pagkakasabunot ang buhok ko.


His and Her Heartbeats [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon