Yannah's POV:
Nagising na lamang ako na parang ang bigat bigat ng buong katawan ko, lalong lalo na ang mga mata ko. Iginala ko ang paningin ko sa paligid kahit na parang hindi ko na maidilat ang mga mata ko sa sobrang maga.
Nang makita kong nasa pamilyar na kwarto ako, walang iba kung hindi ang kwarto ko ay ipinikit ko na ulit ang mga mata ko at inalala ang mga nangyari. Ang huli kong natandaan ay kaharap ko si Lio at---hindi ko alam pero nang maalala ko iyon ay biglang nagflash sa utak ko yung sinabi nyang--No, I'll just protect you until the end.
Unti unti ay parang may bumabara na naman sa lalamunan ko. Aaminin ko na sa sarili kong pagod na pagod na ako sa pag iyak, kulang na lang ay ikamatay ko na ang pag iyak. Pero hindi ko talaga mapigilan ang nararamdaman ko.
Paano ko ba sya magagawang kalimutan, paano ko ba pipigilan yung puso ko na huwag na syang mahalin, paano? Hindi ko kaya! Hindi ko talaga kaya!
Bakit sya pwede nya pa rin akong mahalin, bakit ako hindi na? Bakit sya pwede pa rin akong protektahan kahit wala na, pero bakit ako, bakit kelangang ituring ko syang pinakamasaklap na nangyari sa buhay ko?
Sobra sobrang pagmamahal lang talaga ang binigay ko sa kanya kaya nahihirapan talaga akong mag adjust na wala na talaga sya sa buhay ko. At dahil sa sobrang pagmamahal na iyon sobrang hindi ko talaga kinakaya. Pakiramdam ko hindi lang kalahating parte ng katawan ko ang nawalan ng buhay, buong pagkatao ko na ang nawalan ng buhay.
***
"Shit! Miss, magseserve ka na lang hindi mo pa ayusin!"
"S-Sorry po, sorry po Sir, hindi ko po sinasadya." Pinunasan ko gamit ng basahan ng mesa yung damit ng customer na natapunan ko ng Mango Shake.
"Ah, ano ba yang pinampupunas mo sa akin Tsk!" tinabig nung lalaking customer yung kamay ko. Kumuha sya tissue sa mesa at iyon ang pinampunans nya.
"Bwisit! Ang dumi na ng damit ko!" Nakatingin na rin sa amin ang ibang customers dahil sa pagsigaw nung lalaki. Panay naman ang hingi ko ng paumanhin pero tinatalakan pa rin nya ako. Maya maya ay natanaw ko na si Carlo na papalapit sa amin.
"Ahm, exuse me Sir, what's the problem?" Tanong ni Carlo doon sa lalaki, ako naman ay bahagyang napaatras.
"Mukang wala sa sarili yang Crew nyo eh! I came here to refresh myself and to relax tapos masisisra lang ang araw ko ng isa sa mga Crew nyo? Makaalis na nga, nakakasira ng araw!" sabay layas nung lalaki at bato sa akin nung tissue na pinampunas nya sa damit nyang natapunan ko. Sumunod naman si Carlo doon sa customer na umalis habang patuloy na humihingi ng paumanhin.
Bumalik na lang ulit ako sa counter at nilapag ang try na hawak ko saka bumuntong hininga. Hindi ko alam, pero wala talaga akong gana, parang wala akong gana sa lahat, kulang na lang pati paghinga ko mawalan na rin ako ng gana.
"Sorry Carlo." Hingi ko agad ng paumanhin ng lumapit na siya sa akin.
"Ayos lang, magbreak ka muna, baka pagod ka na." sagot naman nya saka tinapik ang ulo ko.
"Hindi okay lang, dumulas lang talaga sa kamay ko kanina yung Shake kaya natapon." Ngumiti ako kay Carlo at inabot ulit yung tray na nasa counter. Pahakbang na ako pero bigla nyang hinawakan ang braso ko.
"Hindi, magbreak ka muna." Kinuha nya sa akin yung hawak kong tray at binalik ulit sa counter. "Charles, tawagin mo lang ako sa loob kapag may kelangan ka." Baling ni Carlo kay Kuya Charles na kababalik lang rin sa counter. Tumango lamang ito bilang sagot saka ako hinila ni Carlo papasok sa kabilang parte ng Peach House. Pinaupo agad ako ni Carlo sa upuan nang makarating kami sa kitchen. Naglabas sya ng mga pagkain at inihain sa mesa.
BINABASA MO ANG
His and Her Heartbeats [Completed]
Novela JuvenilHe is a cold hearted guy or should other says a heartless jerk. Siya yung taong hindi titigil hangga't hindi nakakaganti sa mga taong ginawan sya ng masama, yan si Lio Avestruz. A simple and a cheerful yet a tough girl. Minsan hindi nya nakokontrol...