Chapter 30:

2.5K 57 10
                                    

Yannah’s POV:



Pagkatapos ng duty ko ay nagpaalam na ako kay Carlo. Kanina ko pa hindi nakikita si Lio kaya nagpasya na akong umuwi.




Pumara ako ng jeep nang biglang may humintong sasakyan sa harapan ko. Huwag nyo ng tanungin kung sino dahil si Lio lang naman yun. Huminto ako at nanatiling nakatingin sa sasakyan nya.




“Sumakay ka na.” sabi nya pagkababa nya nung salamin nang bintana.
 



“Huwag na, magji-jeep na lang ako."




“Dalian mo na.” sigaw nya. Mukhang wala syang balak na pakinggan yung sinabi ko kaya sumakay na lang ako. Pagkapaandar nya ng sasakyan ay nanatili lamang akong nakatingin sa bintana.




“Hindi ka man lang nagpapaalam sa akin kapag aalis ka na. Para akong tangang hanap ng hanap sayo dun.” biglang sabi nya.




“Ha? Eh dati pa naman akong hindi nag papaalam sayo kapag aalis na ako ah.” saglit akong lumingon sa kanya nung sinabi ko yun.




“Dati yun, iba na ngayon!” Bakas yung pagkairita sa boses nya ng sabihin nya yun. Hindi ko alam pero wala na akong naibatong isasagot sa kanya. Hanggang ngayon kasi ay nanibago pa ako sa kanya, sa pakikitungo nya. Muli akong napalingon sa kanya ng marinig ko ang pagbuntong hining nya.



“Pasensya na, medyo naninibago pa ako. Nasanay lang kasi ako na nagsisigawan lang tayo at nag aaway kapag nag uusap.” Tuloy tuloy na sabi ko. Tuluyan naman nang humarap si Lio sa akin.

 

 

“Naiintindihan ko, ang punto ko lang naman ay yung hindi ka nagpapaalam sa akin kapag aalis ka na ng Shop.”



 
Bakit parang ang big deal naman sa kanya nun?



“Sige na, magpapaalam na ako sayo kapag aalis na ko ng shop” sagot ko na lang.




Tumingin ako sa kanya na seryoso lang sa pagmamaneho, hinihintay ko syang magsalita pero hindi na sya nagsalita.

***

Katatapos ko lang maglinis ng katawan nang biglang lumagabag yung pintuan ng kwarto ko.




“Pahiram ngang headset.” Tuwing na lang talaga papasok ng kwarto ko 'tong magaling kong Kuya, parati na lang nyang binabalibag yung pintuan.




“Kuya naman, kumatok ka nga. Paano na lang kung nakahubo’t hubad ako dito tapos bigla bigla mong bubukasan yung pintuan.” reklamo ko.




Kitang kita pa naman mula sa sala yung kabuuan ng kwarto ko kapag nakabukas yung pintuan ko.




“Wala namang makikita sayo, para ka lang kawayang nakatayo dyan. Pahiram ako ng headset mo.” sagot nya. Ang galing lang, sya na ang nanghihiram, sya pa ang nang aasar.




“Ayoko, lumabas ka na dito, gagamitin ko yun. Inirapan ko lang sya at tunutok sa cellphone ko.




Akala ko ay aalis na ang magaling kong Kuya pero mukhang nahagip ng mga mata nya yung headset ko na nakapatong sa kama ko. Para syang si the flash na mabilis na nakuha yung headset ko saka nagtatakbo palabas ng kwarto ko.




Ah! Kainins talaga!




Wala na akong nagawa at padabog na lang akong humiga sa kama ko. Maya maya ay biglang nag vibrate yung cellphone ko.




His and Her Heartbeats [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon