Yannah’s POV:
Umakyat ako sa kwarto ni Lio para humingi na ng tawad sa nagawa kong pagtawa sa pangalan nya. Grabe lang magtampo ang lalaking yun, aba’y dinaig pa ang babae.
Pero sa huli, nabigo ako. Jusko, ang hirap nyang suyuin ah. Wala na akong nagawa kaya bumaba na lang ulit ako ng hagdan.
“Oh ano, nagkaayos na ba kayo?” tanong agad ni VJ at Carlo. Umiling lang ako sa kanila.
“Sabi sayo eh, ikaw naman kasi, pinagtawanan mo pa yung pangalan ni Lio. Aminin na natin na katawa tawa naman talaga yun dahil pang sinaunang tao. Pero wala eh, gwapo lang ako, hindi kita matutulungan dyan.” Sabi ni Vj. Bumagsak yung balikat ko dahil akala ko ay matutungan nya ako.
“Sige aalis na ako, may klase pa ako mamaya eh.” walang ganang sabi ko.
“Ihahatid na kita.” alok sa akin ni Carlo.
“Hindi na, ok lang, may dadaanan pa ako eh, salamat sa shake ah.” Kahit hindi ko trip na ngumiti ay pilit akong ngumiti sa kanila, pagkatapos ay nagpaalam na rin ako kina Ate Ella at Kuya Charles.
Peninsula College:
“Oy, para kang sinakluban ng langit at lupa dyan ah.”
“Uuwi na ako.” sagot ko kina Jose, wala talaga ako sa mood ngayon. Kahit tinatamad pa ako umuwi eh lumabas na ako ng gate. Nakakatamad rin kasi yung panahon, makulimlim, parang uulan.
Dahil Sabado ngayon, hanggang 1:30 lang ang klase namin. Hindi naman na nila ako napigilang umuwi kahit naghahatakan kami sa gate. Pupunta ako ng Peach House ngayon para makipagbreak na kay Lio. Wala syang kwenta, nabubwisit ako dahil namimiss ko na sya pero nag iinarte sya masyado.
Medyo malayo layo na rin ang nalalakad ko at medyo malayo na ako sa school nang biglang may humatak sa akin.
“O-oy, teka Kuya! Huwag ka ngang—“
Hindi na ako nakapanlaban at nakapagsalita dahil walang kaabog abog akong ipinasok sa loob ng sasakyan, kasabay nun ay ang pagharurot nito. Hindi ako makapalag sa higpit ng pagkakahawak sa akin nung lalaki.
Dalawa lang sila, ang isa ay yung nagdadrive at isa yung humahawak sa akin. Hindi ko rin makita yung mga mukha nila dahil pareho silang mga nakabonet na itim at natatakpan ang mga mukha nila. Pero nang makawala ang isa kong kamay ay pinagbabayo ko ng hampas at suntok yung lalaking humahawak sa akin.
“Saan nyo ba ako dadalhin! Bitawan mo nga ako!” pagkatapos ko syang paghahampasin ay hindi pa rin nya binibitawan ang isang kamay ko kaya naman kinagat ko sya sa braso.
“Aaah!” napahinto yung sasakyan at napatingin yung nagdadrive sa amin.
Wala man lang silang reaksyon? Dumaing lang tapos wala na? Anong problema nitong mga kidnapper na ‘to? Bakit mga hindi nagsasalita?
Ilang sandali lang ay umandar na ulit yung sasakyan. Pilit pa rin akong kumakawala sa pagkakahawak nung lalaki sa akin pero hindi ako binibitawan. Nagpupumiglas ako pero hindi pa rin nya ako binibitawan. Bakit ba hindi nagsasalita itong mga ‘to?
Maya maya lang ay may dinukot yung lalaking nakahawak sa akin at piniringan ako, pagkatapos ay tinalian ako sa dalawang kamay at binusalan din ako sa bibig.
BINABASA MO ANG
His and Her Heartbeats [Completed]
Fiksi RemajaHe is a cold hearted guy or should other says a heartless jerk. Siya yung taong hindi titigil hangga't hindi nakakaganti sa mga taong ginawan sya ng masama, yan si Lio Avestruz. A simple and a cheerful yet a tough girl. Minsan hindi nya nakokontrol...