Chapter 70:

2.2K 33 1
                                    

Karlean's POV:



-Flashback-



"Lio!" nagulat na lamang ako nang biglang umalis si Lio sa sinehan. Lumabas rin ako para habulin ito.



"Lio!" patuloy ako sa pagtawag ng pangalan nito pero hindi nya ako nililingon, mas lalong bumilis ang lakad nya at lumihis ng direksyon. Nagulat na lang ako ng may humigit sa braso ko, napahinto ako at nilingon iyon.



"Carlo? Sorry Carlo pero kelangan kong habulin si Lio." Sabi ko rito. Hindi nya ako binitawan, umiling lang sya at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak nito sa braso ko.



"Carlo please." pakiusap ko rito, muli akong sumulyap sa lugar na pinaglikuan ni Lio. Mas lalo akong pumalag kay Carlo nang makita ko si Lio na lumabas sa lugar na iyon na kasama si... si... "Yannah?" muli akong bumaling kay Carlo.



"Carlo bitawan mo sabi ako! Bakit kasama ni Lio si Yannah? Bakit magkahawak sila ng kamay--"



"Sya ang boyfriend ni Yannah Karlean, matagal na silang may relasyon ni Lio. Sya ang babaeng pinoprotektahan ni Lio mula sayo at kay Tita Viena. Karlean, tigilan mo na 'to please, alam mong hindi ka mahal ni Lio kaya huwag mo nang ipagpilitan ang sarili mo sa kanya. Mahal ni Lio si Yannah, mahal na mahal! At kahit anong gawin mo, hindi mo mapapalitan si Yannah sa puso ni Lio."



"Hindi! Walang ibang pwedeng mahalin si Lio, ako lang! ako lang! Ikakasal na kami kaya magiging akin na sya!"



Umiiyak akong tumawag kay Papa, sinabi ko lahat lahat sa kanya ang mga natuklasan ko. Pati na rin ang pag alis ni Lio kasama si Yannah.
I hate that girl! Walang pwedeng maging babae si Lio. Hindi ako papayag, hindi ako papayag! Sasabihin ko kay Papa na pabilisin na ang pag aayos ng mga papeles ni Lio para makaalis na kami ng Pilipinas. Hindi ko hahayaang mapunta si Lio sa ibang babae, hinding hindi! Dahil akin na sya!



-End of Flashback-



"All of you get out!" halos wasakin na ni Lio ang lahat ng mga gamit sa silid nya. Nanginginig at napapaiyak na ako sa takot dahil sa inaakto niya. Nakatakdang umuwi si Papa bukas dito sa Pilipinas dahil sa ginawa kong pagsusumbong dito. Kahit ako ay nagagalit kay Tita Viena, sinabi nya noon na walang kasintahan si Lio, pero nalaman ko na lang na matagal ng may karelasyon si Lio, at si Yannah pa ito, ang kapatid ng bestfriend ko noon.



Kilala ko si Yannah, mabait sya kung sa mabait dahil sa pagkakilala ko sa kanya noon. Kahit bihira ko syang makita at makasama noon dahil sa kapatid sya ni Yuan, alam kong mabait sya. Pero kahit anong bait nya, wala akong pakealam! Handa kong gawin ang lahat kahit masaktan pa sya basta mawala lang sya sa buhay ni Lio!



"Damn it Lio! Tigilan mo na 'to!" awat sa kanya ni Tita Viena. Parang walang narinig si Lio sa pagsaway sa kanya ni Tita Viena at patuloy pa rin ito sa pagwawala at pagwawasiwas  ng mga gamit na madampot nya.



"Lio tama na." mangiyak ngiyak na sabi ko dito.



"Ikaw! Mawala ka na sa buhay ko pwede ba! Could you please die and get the hell out of my life!"



Napaatras ako sa lakas ng sigaw nito sa akin at sa mga sinabi nito. Napatakip ako ng bibig at napasandal sa dingding malapit sa pintuan.



"Lio!" umalingawngaw ang malakas na sampal ni Tita Viena sa mukha ni Lio.



"Damn you all! Even you! I'm not considering you as my mother anymore!" mas lalo akong nagulat sa mga lumabas na salita sa bibig ni Lio.



His and Her Heartbeats [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon