Yannah's POV:
"Jusko!"
Inis na inis akong nagmulat ng mata at pinatay ang nag iingay kong alarm clock. Inaantok pa talaga ako, 6:30 pa lang ng umaga.
5 mins pa please, 5 minutes pa.
Humilata ulit ako at niyakap yung unan sa tabi ko. Pero makalipas ang ilan pang minutong tulog ko ay napatingin ako sa alarm clock ko.
"Hala! 7:18 na!" Napabalikwas agad ako ng kama at tumakbo papuntang banyo para maligo.
Naman oh, daig ko pa ang nagtatrabaho nito, linggong linggo eh. Dapat mamaya pa ako gigising, 5:30 na kaya ako nakatulog.
Nagmamadali na kong lumabas pagkatapos kong magbihis.
"Saan ka pupunta?" sigaw sa akin ni Kuya na nagtitimpla ng kape sa kusina.
"Saglit lang ako Kuya." lumabas na ako ng bahay, buti na lang at wala si Mama, nagpaalam sya sa akin kagabi na mag aanak daw sya ng binyag at alas sais ng umaga daw sya aalis, buti na lang at hindi nya ako namalayan na umuwi kaninang madaling araw kasi nasa CR sya.
Nagpara na ako ng jeep at doon na nagsuklay. Pagkadating ko sa Peach House ay dumiretso ako sa fruit shake shop dahil bukas na ito.
"Good Morning welcome to--- oh? Ikaw ulit?" nakangiting salubong sa akin ni Carlo. Kung ganitong araw araw kong makikita ang ngiti ni Carlo, ay naku, solve na solve na ang umaga ko.
"Ah oo, Si Lio po?"
"Hindi ko alam kung gising na sya. Bakit? What's your name again?" tanong nya.
"Yannah."
"Yannah, sige upo ka muna, sisilipin ko lang si Lio sa taas. Kumain ka na ba? Do you want coffee, juice--"
"Ah hindi na." sabi ko na lang, nakakahiya.
"Sure ka?" sabi nya. Tumango lang ako.
"Sige, saglit lang ah." pumasok na siya dun sa may pinto, nandito ako sa fruit shake shop at naghihintay, mukhang kakabukas palang nila.
Ilang saglit lang ay bumalik na ulit si Carlo at umupo sa katapat kong upuan.
"Ok lang ba na maghintay ka ng mga 10 minutes?" sabi nito
"Ah oo ok lang po, tulog pa po ba sya?" nakangiting sagot ko. Hindi ko alam pero, nailang ako sa titig ni Carlo bago nya ako sagutin.
"Oo eh, saka huwag mo na kong pino-po, bata pa ako. By the way I'm Carlo." nilahad nya yung kamay sa akin.
"Ah opo—oo, kilala na kita." pero syempre nakipag kamay pa din ako, pagkakataon ko na 'to. Alam nyo namang crush ko 'tong lalaking ito at ngayong makakamayan ko na sya, hindi ko na ito palalagpasin pa.
"Talaga? Kilala mo na ako?" naghiwalay na ang mga kamay namin. Ano ka ba naman Carlo, kung nalalaman mo lang, gabi gabi kitang iniisip saka nirarape na nga din kita minsan sa isip ko eh. Iniimagine ko lang naman sa isip ko kung ano bang feeling kapag naging boyfriend kita. Ang saya ko siguro nun.
"Oo diba nung binigay mo sa akin yung ecobag ko, nagpakilala ka sa akin." umakto akong kinakamot yung ilong ko pero ang totoo nyan ay inaamoy ko yung kamay ko na hinawakan ni Carlo. Ang bango promise! Hindi muna talaga ako maghuhugas ng kamay.
BINABASA MO ANG
His and Her Heartbeats [Completed]
Teen FictionHe is a cold hearted guy or should other says a heartless jerk. Siya yung taong hindi titigil hangga't hindi nakakaganti sa mga taong ginawan sya ng masama, yan si Lio Avestruz. A simple and a cheerful yet a tough girl. Minsan hindi nya nakokontrol...