Lio's POV:
Hindi pa man ako tuluyang nakapapasok sa kwarto ng opisina ni Mama ay sinalubong na agad ako nito ng galit.
“Lio ano itong nakarating sa aking balita galing sa YC? What the hell did you do? Bakit mo pinakealaman ang rules ng YC? Alam mo naman na kapag may nagsa-shoplift sa store natin, they will automatically send to jail! Pero ano itong ginawa mo? Tayo ang nawalan Lio, tayo!”
“Nagkamali sila ng taong pinagbintangan.” sagot ko.
“Nagkamali? Oh come on Lio, alam ko na yung babaeng mukhang pera na yun na sinasabi mong girlfriend mo ang nagnakaw sa Store natin. Hindi lang pala sya mukhang pera, magnanakaw pa. My God Lio, for almost 21 years of your existence, hindi mo pa ba kilala ang mga taong nanggagamit lang at mga taong pera lang ang habol? Tapos dahil lang sa sinasabi mong girlfriend mo sya, ganun ganun na lang—“
“’Ma, pwede ba, huwag mo syang paratangan ng kung ano ano. Hindi sya ganung tao gaya ng iniisip mo.”
“Kita mo na, iyan ba ang impluwensya sayo ng babaeng yan, ang sumasagot ka na sa akin Lio? Alam ko na kung anong klaseng babae yang pinagtatakpan mo? Akala mo yata hindi ko alam ang mga nangyayari sayo kahit nasa Peach House ka. Muntik ka ng mapatay ng babaeng yan, kahit kelan hindi kita pinagbuhatan ng kamay. Pero yang babaeng yan, nagawa nya lang basta basta nang hindi man pinagbabayaran? Bakit hindi mo itinuloy ang demanda sa babaeng yun?”
Hindi ko alam pero nagulat ako sa mga sinabi ni Mama. Hindi ko alam kung paano nya nalaman mga iyon.
“Bakit hindi ka makasagot? Ano bang ginawa ng babaeng yan sayo, hindi ka naman dating ganyan. Lahat ng sinasabi ko sayo sinusunod mo agad pero ngayon ay nagmamatigas ka na. Bakit, mas sinusunod mo na ba yang babae na yan kesa sa akin? Sunod sunuran ka na ngayon sa mga tao?”
Napapikit na lamang ako ng mariin sa mga narinig ko. Ayaw ko nang makipagtalo pa sa kanya dahil paulit ulit lang naman ang palaging pinagtatalunan naming mag-ina.
“Gusto kong hiwalayan mo na yang babaeng yan Lio. Hindi sya ang babaeng nararapat sayo.”
“Lahat naman ng piliin ko, parating mali sa paningin nyo. Hinding hindi ko hihiwalayan si Yannah nang dahil lang sa sinabi nyo. Para sa akin, sya lang ang gusto ko at hindi kung sino sinong babaeng ipinipilit nyo.” tuloy tuloy na sagot ko.
Napakuyom na lamang ako ng palad dahil sa biglaang pagsampal nito.
“Hindi ako makapaniwala na kaya mo na akong suwayin ng ganito Lio!”
Wala na akong pakealam, wala akong ginagawang masama para pigilan nya ako sa mga ginagawa ko. Muli akong bumaling sa kanya saka ito tinalikuran.
“Kung hindi mo kayang hiwalayan ang bababeng yan, pwes ako ang gagawa ng paraan para mawala sya sa buhay mo!”
***
Yannah's POV:
“Thank you Yannah, ang ganda.” sinuot agad ni Ate Ella yung loom bands na ginawa ko sa kanya, binigyan ko din si Kuya Charles at si Carlo.
“Thanks Yannah.” sabi ni Kuya Charles.
“Welco—“ naudlot ang sasabihin ko nang sumulpot bigla biglaan si Vj.
BINABASA MO ANG
His and Her Heartbeats [Completed]
Genç KurguHe is a cold hearted guy or should other says a heartless jerk. Siya yung taong hindi titigil hangga't hindi nakakaganti sa mga taong ginawan sya ng masama, yan si Lio Avestruz. A simple and a cheerful yet a tough girl. Minsan hindi nya nakokontrol...