Chapter 40:

2.6K 54 11
                                    

Ynah’s POV:



Nandito ako sa bahay nina Lio para bumisita. Hinawi ko muna ang buhok kong kakabrazilian treatment bago ko binati si Tita Viena.




“Hi Tita.”




“Oh Ynah, it’s been a long time my dear.” Lumapit ako kay Tita Viena at bumeso.




“Hmm, I know your perfume Tita, Paco Rabanne?” tanong ko. Napangiti lang si Tita, sa ngiti nyang yun alam kong nahulaan ko yung perfume na gamit nya.




“Have a seat, how are you?”




Inilapag ko ang Louis Vuitton handbag na dala ko sa couch pagkaupo ko. “I’m totally fine Tita, how about you?”




Hindi muna sumagot si Tita Viena, tumawag ito ng maid at nagpahanda ng pagkain.



“Not so fine.” sagot nya.




“Bakit naman po?” tanong ko at bahagyang lumapit dito.




“Look? Im all alone here. Your Tito is in Abroad and Lio is not living here with me. Tapos ngayon, I thought Lio will spendi his vacation here since sembreak naman, pero tumawag ang Dad nya at sinabing doon na muna sya sa States habang sembreak pa." Aww, ang sad nga nun.




“It’s ok Tita, you’re still pretty pa din naman po even you're alone here.”




“Ikaw talaga, by the way how’s Carlo and his business?”




“Maayos naman po yung business ni Kuya Carlo Tita. Just like him, still good and handsome."




“That’s good, wala pa bang girlfriend si Carlo?”




“Wala pa nga eh, ewan ko ba kay Kuya Carlo. Wala syang pinapakilala sa aming girl, wala din syang dinidate.” Umikot ang mata ko pagkasabi ko nun. Ewan ko ba kasi dito kay Kuya Carlo, ang dami naman sanang nagkakagusto sa kanyang mga babae, talagang wala syang pinapansin.




“Hindi pa ba nagdedesisyon ang mga magulang ni Carlo kung sino ang pakakasalan nya in the near future? Dapat ay nakikipagkasundo na ang mga magulang nya para sa marriage nya. At ikaw ba, wala ka pa rin bang boyfriend?"




Good question Tita. Isa lang naman ang gusto kong maging boyfriend at maging soon to be husband. At iyon ay ang kaisa isa nyong anak, si Lio lang.




“Sa tingin ko, hindi makikipag-arrange marriage si Kuya Carlo. Sinabi nya sakin noon na sya ang pipili ng babaeng mamahalin nya. Saka hindi din naman pinapakealaman ni Tita Mariane ang love life ni Kuya Carlo.” Ang tinutukoy ko ay ang Mommy ni Carlo. Kahit ako 'no, ayaw ko nga ng idea ng fix marriage na yan. Hindi na lang din ako mag aasawa kung hindi lang din naman si Babe Lio ang mapapangasawa ko.




“It’s also for the security of your future. Kaya nga ba si Lio ay ipinagkasundo ko na. Ayokong mapunta sya sa mga babaeng kung sino lang na hindi naman nya kalebel."




Oh My God! Napatakip ako ng bibig ko pero tinanggal ko rin dahil baka mabura ang Sexy Sienna color na lipstick kong Charlotte Tibury Matte.



Ibig sabihin ay may nakalaan ng babaeng pakakasalan si Babe Lio ko?




“What do you mean Tita?" I want to confirm it, baka nabingi lang ako dahil sa buhok kong nakaharang sa tenga ko. Hinawi ko yun at inipit sa magkabilang tenga ko.




His and Her Heartbeats [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon