Chapter 3:

4.3K 99 76
                                    

VJ's POV:

Trending University

"Patigilin mo nga kakasigaw yang mga babae mo, nakakairita sa tenga." Dinig kong sabi ni Lio sa mga chicks na dumaan sa table namin.

"Girls relax, kami lang 'to, don't panic." ngisi ko habang sinusundan ng tingin ang mga estudyanteng babae na halos himatayin na sa kilig nang masilayan ang taglay kong kagwapuhan.

"Ano ka ba naman Lio, hindi ka ba nasisiyahan nyan, tinitilian tayo ng mga kababaihan. Hindi nyo lang alam pero musika sa tenga ko kapag tinitilian ako ng mga kababaihan." dugtong ko pa habang hinihimas ang perpekto kong mukha.


"Musika pala ah, ilapit mo sa akin yang tenga mo at titilian kita."

"Whoah! babae ang sabi ko, hindi binabaeng Lio!"bahagya kong inilayo ang... alam nyo na, ang gwapo kong mukha ng ilapit ni Lio ang mukha niya sa tenga ko.


Anak ng! May pagnanasa rin ba sa akin 'tong si Lio?


"Anong sabi mo!" napatingin na rin sa amin ang ibang mga estudyante na abalang kumakain dahil sa sigaw nitong si Lio.


"Wala." sagot ko rito. "Oo nga pala anong nangyari kahapon? Kumusta na yang ulo mo? Akala ko nabiyak na yang ulo mo at lumabas na yang utak mo?" Tangina, tawang tawa talaga ako ng ikwento sa akin ni Carlo yung nangyari.


"Ayos yung nakasagupa mong babae ah." pahabol ko pa. Mas lalong sumama ang reaksyon ng mukha ni Lio sa pag iiba ko ng usapan.


"Tama na nga yan, tapos na yun." sabat ni Carlo.

"Ipagdasal lang talaga ng babaeng yun na hindi magkrus ang landas naming dalawa dahil kung hindi..." sabay suntok ni Lio sa mesa.

"Sana nga hindi na kayo magkita." si Carlo.

"Gusto ko tuloy makita yung babaeng yun, sayang lang talaga at hindi ko nakita yung nangyari, nai-video ko man lang sana para may araw araw akong papanuorin at pagtatawanan."


Grabe, Amazona kaya yung nakasagupa ni Lio na yun? Nakakapanghinayang lang talaga at hindi nasilayan ng gwapo kong mukha yung pangyayaring yun! Tsk!

"Babe Lio!"

"Ano ba?!" halos nagkapatong patong na ang inis, galit at pagkairita sa pagmukha ni Lio. Lalo pa at dumating ang babaeng matagal ng itinitibok tibok ng puso ko, si Ynah my love na pinsan ni Carlo. Pero petengene lang, kahit anong gwapo ko, hindi nya ako pinapansin.

"Wala ka bang klase?" tanong ni Carlo sa pinsan nyang agad na yumakap kay Lio. Mas lalong nairita ang pagmumukha ni Lio at agarang inalis ang pagkakayap sa kanya ni Ynah my love.

Jusmiyo! Nandito naman ako, bakit hindi na lang ako ang yakapin nya.

"Ynah my love, wala din ba akong malupitang yakap dyan?" Ineksena ko na ang gwapo kong mukha sabay buka ng matitipuno kong mga braso na para bang naghihintay din ng yakap.

His and Her Heartbeats [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon