Chapter 48:

2K 43 11
                                    

Yannah's POV:


Humiga na ako sa tabi ni Lio pero tumalikod ako sa kanya. Naramdaman kong umusog siya papalapit sa akin. Subukan lang talagang gumawa ng maling galaw nitong lalaking ito, matatadyankan ko talaga sya. Umusog ako palayo dahil nararamdaman ko yung init nang hubad nyang katawan kahit na naka aircon kami. Pero lintek lang umusog din sya.



Umusog ulit ako pero umusog na naman sya, uusog pa sana ako pero isang usog ko na lang eh lalagapak na ako sa sahig.



Lumingon ako kay Lio, sobrang lapit na nya sa akin. "Lio naman, mahuhulog na ako eh."



"Sino ba naman kasing may sabi sayong umusog ka ng umusog dyan, talagang mahuhulog ka."



"Eh ikaw eh, usog ka ng usog sa akin. Umurong ka nga dun, wala na akong space dito." humarap ako sa kanya at tinulak tulak sya. "Ang laki laki ng space sa gilid mo tapos nagsusumiksik ka sa akin."



"Ah teka, ako naman ang mahuhulog." sinamaan nya ako ng tingin at hinatak yung kumot. "Parang yayakapin lang eh." natawa ako sa sinabi nya, para talaga syang bata kung magmaktol, hambalusin ko kaya sya ng unan. Umayos na ulit sya ng higa at ganun din naman ako, pero hindi na ako nakatalikod sa kanya, pareho lang kaming nakatingin sa kisame. Sobrang nabalutan na ng katahimikan yung buong silid, tanging tunog na lang ng aircon at paghinga naming dalawa ang naririnig ko.



Hindi na ako nakatiis, lumingon ako sa kanya. "Sorry." Ilang segundo rin bago nya ako nilingon, pagkalingon nya sa akin ay nginitian ko sya. Tumagilid na sya paharap sakin at walang kaano ano ay niyakap nya na lang akong bigla. Hinayaan ko na lang sya, idinantay ko na lang yung kamay ko sa braso nyang nakayakap sa bewang ko.



Ang sarap pala sa pakiramdam kapag alam mong katabi mo ang taong mahal mo at yakap yakap ka nya.



"Lio."



"Hmm?"



Ewan ko pero bigla ko na lang naisip ito. "Sa tingin mo, hanggang kelan kaya magiging tayo? O tayo na ba talaga hanggang sa huli?"



"Bakit mo naman tinatanong yan?" bumaba sya ng tingin sa akin dahil mas mataas sya sa akin ng higa, napatingala naman ako sa kanya.



"Wala lang, malay mo makahanap ka na ng iba tapos tumibok talaga ng todo yung puso mo sa kanya, syempre iiwan mo na ako. Saka mukha namang hindi magiging forever 'tong relasyon natin dahil ayaw sa akin ng Mama mo. Diba parang sa mga drama lang, ayaw sa akin ng Mama mo kasi mayaman kayo at isa lang akong hamak na dukha---aray naman." Inuntog nya yung noo nya sa ulo ko, mahina lang yun pero umaray ako. Hinampas ko yung kamay nyang nakapatong sa tyan ko.



"Bakit ba sinasabi mo yang mga ganyan!"



"Malay nga lang eh, malay lang." ngumuso ako. Nakasigaw na naman kasi agad.



"Huwag ka ngang nag iisip ng ganyan. Saka ano naman kung ayaw sayo ni Mama, kayo ba ang magpapakasal?"



Napaharap ako sa kanya pero hindi nya pa rin tinatanggal ang pagkakayakap sa akin. "Baliw ka ba? Bakit ko naman pakakasalan yung Mama mo?"



"Mas iniisip mo pa kasi kung magugustuhan ka ni Mama. Sa paningin ni Mama, mahirap maging perfect, ako nga na sarili nyang anak hindi, ikaw pa kaya?"



"Yun na nga, eh hindi nya ako gusto para sayo, gaya nga ng mga napapanuod ko sa TV. Kapag ayaw ng magulang ng lalaki sa babaeng nagugustuhan ng anak nila, gumagawa sila ng paraan para mapaghiwalay sila. Diba parang Meteor Garden lang, si Dao Ming Si at si Sanchai, nanuod ka ba dati nun Lio?"



His and Her Heartbeats [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon