Chapter 72:

2.9K 42 8
                                    

Yannah's POV:



"Aah!" Dumilat ako at inikot ang paningin sa paligid habang sapo sapo ang masakit na likuran ng balikat ko.



"Yannah."



"Mama, Ama."



"Yuan, tawagin mo yung nurse, sabihin mong nagising na si Yannah." Sabi ni Mama. Pinilit kong bumangon para umupo pero pinigilan ako ni Mama.



"Huwag ka na munang bumangon anak, mahiga ka na lang muna."



Ilang saglit lang ay may pumasok ng nurse na kasunod ni Kuya. Inexamin lang ako pati na rin yung likurang bahagi ng balikat ko at pagkatapos nun ay umalis na rin ito. Pagkatapos akong pakainin nina Mama ay umalis na muna silang dalawa ni Ama para magpahinga kaya naiwan si Kuya dito kasama ko. Hindi ko alam pero dalawang araw daw akong tulog kaya sobrang natakot at nag alala sila.



"Bukas makakalabas ka na." sabi ni Kuya na ngayon ay pinagbabalat naman ako ng mansanas.



"K-Kuya si Lio?" napahinto sya sa pagbabalat ng mansanan pero hindi tumingin sa akin.



"Hanggang kelan ka mapapahamak ng dahil sa lalaking yun?" humarap sa akin si Kuya at nilapag ang kutsilyo at mansanas na kalahati pa lang ang nababalatan.



"Kuya... gusto kong malaman kung okey si Lio." Nagsimula na namang magtubig ang mga mata ko. Matapos ang napakasaklap na gabing iyon, hindi ko na din alam ang nangyari. Ang huling naalala ko lang ay dumating si Carlo at mga pulis.



"Oo na, nandun na ako, mahal mo talaga si Lio at wala na akong magagawa para pigilan ka. Pero Yannah naman, huwag lang basta kay Lio iikot ang mundo mo. May pamilya ka, nag aalala kami sayo. Hindi mo lang alam kung gaano kami nag alala lalong lalo na sina Mama at Ama nang makita ka naming duguan at walang malay."



"S-Sorry Kuya..." nakayukong sabi ko. Lumapit sya sa akin at umupo sa gilid ng kama.



"Wala akong balita kay Lio, ikaw ang inaalala namin. Saka doon sa mga lalaking gumawa nyan sa inyo, nadakip na sila ng mga pulis." inangat ni Kuya ang mukha ko mula sa pagkakayuko at pinahid ang kaninang luhang tumulo sa mukha ko. "Tatawagan ko si Carlo, makikibalita tayo kung ano na ang lagay ni Lio." Pinilit kong ngumiti nang sabihin iyon ni Kuya.



***



Mga bandang hapon ay dumating sina Carlo at VJ kasama si Ynah. Saglit lang na nanatili si VJ at Ynah at umalis rin, samantalang si Carlo ay nagpaiwan.



"Buti naman at maayos ka na." sabi nito. Hindi ko maitanong kanina sa kanila kung ano na ba ang lagay ni Lio dahil abala sila sa pag aasikaso sa akin lalo na si Carlo. Kahit pa sinasabi kong okey na ako.



"Carlo, kamusta si Lio? Ayos lang ba ang lagay nya?" alam kong malala ang sinapit ni Lio, pero ayaw kong mag isip ng hindi maganda. Okey si Lio, okey sya.



Hinintay kong sumagot si Carlo pero saglit syang nanahimik at nakatingin lang sa akin. "Carlo?"



"He's in a coma." Sagot nito matapos ko syang tawaging muli. Napalihis ako ng tingin at napapikit dahil sa sinabi nya. Bumuntong hininga ako bago muling humarap sa kanya. "Pero okey naman sya diba? Kelan sya magigising?" pinipigilan kong huwag manginig ang boses ko sa pagsasalita.



Umiling si Carlo. "Hindi ko alam."



"Pero okey sya diba? Kahit comatose sya, okey pa rin sya." Okey si Lio, alam kong okey sya. Masyado lang nabugbog yung katawan nya kaya gusto nyang magpahinga, gusto nyang matulog, pero okey sya.



His and Her Heartbeats [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon