Yannah's POV:
Nagpasya na akong hindi pumasok sa school. Hindi ko talaga kayang tumayo sa kama, lalong tumitindi yung sakit ng ulo ko. Pagkakain ko ay ininom ko na yung gamot na binigay sa akin ni Lio, kahit pa binigyan na ako ni Mama.
Inabot ko yung cellphone ko sa bag ko para itext ko si Cristina na hindi ako makakapasok.
To Cristina:
Hindi ako makakapasok ah, sobrang sakit na ulo ko eh.
Pagkatext ko kay Cristina ay itinabi ko na yung cellphone ko sa may bandang ulunan ko. Pero ilang saglit lang ay nag-vibrate iyon.
Jose calling...
[Hoy bruha bakit hindi ka papasok!]
Nailayo ko yung cellphone ko sa tenga ko. Bwisit na bakla, ang sakit sa tenga ng boses.
"Aray, hinaan mo naman yang boses mo, ang sakit sa tenga."
[Bakit nga hindi ka papasok, nandito na kaming tatlo sa school, ang arte mo, akala mo ikinaganda mo yang hindi mo pagpasok!]
"Mamamatay na ako kaya hindi ako papasok."
[Anong oras? Ang tagal naman? Pakibilisan mo lang para pupunta na kami dyan para sa pakape at biscuit! Haha.]
"Baliw ka talaga, masakit ang ulo ko, sige na pasabi na lang sa mga professor natin, matutulog na muna ako, babye."
Hindi ko na hinintay sumagot yung bakla at tinapos ko na yung tawag saka tinabi yung phone ko. Buong maghapon lang akong natulog. Alam din kasi ni mama ang kondisyon ko kapag unang araw ng menstruation ko, talagang maghapon lang akong nakahiga.
Pagkatapos kong maghapunan ay pumasok na ulit ako sa kwarto ko. Hindi na masyadong masakit yung puson ko pero medyo masakit pa rin ang ulo ko.
Kinuha ko yung cellphone ko sa ilalim ng unan ko. Nakita ko na merong 3 messages, kaya binuksan ko.
From Jose:
Sabi ni Sir, 'wag ka na daw pumasok kahit kelan, wala ka daw kwentang estudyante. Haha.
May sayad talaga sa ulo 'tong baklang 'to. Tinignan ko kung anong oras sya nagtext, 5:38 pm. Kanina pa pala sya nagtext, kaya nireplyan ko na.
To Jose:
Anong ginawa? May prof. bang nagpaquiz?
Habang hinihintay ko yung text nung bakla ay binasa ko pa yung ibang nagtext sa akin.
Hindi ko alam pero kumabog yung puso ko nang makita ko yung pangalan nya sa inbox ko.
From: Lio
Pumasok ka ba?
Recieved: 6:05 pm
Binasa ko pa ulit yung isang nagtext.
From Carlo:
Hi Yannah, kamusta ang pakiramdam mo?
Recieved: 6:28 pm
Hindi ko alam kung rereplayan ko sila o hindi. Kinakabahan ako na ewan, si Carlo at Lio nagtext sa akin? Mayamaya pa ay biglang nag-vibrate yung cellphone ko.
BINABASA MO ANG
His and Her Heartbeats [Completed]
Roman pour AdolescentsHe is a cold hearted guy or should other says a heartless jerk. Siya yung taong hindi titigil hangga't hindi nakakaganti sa mga taong ginawan sya ng masama, yan si Lio Avestruz. A simple and a cheerful yet a tough girl. Minsan hindi nya nakokontrol...