Yannah's POV:
Ipaospital nyo na po ako, pakiusap. Ang sakit ng mga braso ko, hindi ko maiangat at tinatamad din akong tumayo sa kama ko.
Pagkatapos ng klase ko kahapon ay hindi na ako nakabalik sa Peach House, sabi din kasi ni Carlo na huwag na din akong bumalik, sya na daw ang bahala. Sobra kasing sakit ng katawan ko. Sabi nila talagang sasakit daw ang katawan mo kapag madami kang nilabhan tapos sasabayan mo ng ligo. Ganun nga ang nangyari sa akin, feeling ko mababaldado na ako.
Tumayo na ako para mag asiakaso ng sarili ko. Grabe lang, pakiramdam ko mahigit dalawang kilo ang timbang ng magkabila kong braso, ang bigat ng pakiramdam ko sa kanila.
Pagkatapos kong mag ayos ay pumunta na ako sa Peach House.
Tulad ng dati ay para na naman akong tangang pasilip silip dito sa tapat ng Peach House, sarado na naman kasi ito. Hay… Naisip ko tuloy kung ano na naman ang nakakabaldadong trabaho ang ipapagawa sakin nung halimaw na yun.
Peep! Peep!
Eh?
Saan lumusot yun? Nasa labas na sya? Marunong pala mag teleport ang mga halimaw, akala ko alien lang.
Peep! Peep! Peep!
Ano bang problema nitong taong 'to at busina ng busina? Huwag niyang sabihin na gusto nyang ipagbukas ko sya ng gate? Eh kaya nga ako nasa labas dahil hindi din ako makapasok.
"Kanina pa kita tinatawag, bingi ka ba?" sigaw nya ng dumungaw sya sa bintana ng kotse nya.
Wow ah! Tinawag pa akong bingi? Hindi naman nya ako tinatawag eh, busina lang sya ng busina.
Hindi na ako nagsalita dahil ang aga aga eh sira na agad ang araw ko.
Sakay." sabi nya lang. Hala! Tama ba ang narinig ko? Sakay daw?
Nakatingin lang ako sa kanya at di gumagalaw. Baka mamaya nyan bigla na lang nya akong gilitan kapag nasa loob na ako ng kotse nya. Ayoko nga!
"Uulitin ko pa ba yung sinabi ko?”
Oh ayan na nga, sabi ko nga lalapit na ako. Ano na naman kaya ang binabalak nito, baka paslangin na lang ako bigla nito habang umaandar yung sasakyan at itapon sa kung saan dahil hindi ko tinapos yung nilabhan ko kahapon.
Lumakad na ako at sumakay sa likuran ng sasakyan nya. Mahirap na ano, hindi nya ako magigilitan ng buhay kasi malayo ako sa kanya, may chance pa akong tumalon sa bintana.
"Bumaba ka nga dyan." singhal nya sa akin pagkasakay ko.
Tignan mo 'tong taong 'to. Pasasakayin ako tapos pabababain? Kay aga aga ang lakas ng saltik nito ah. Nagsisimula na namang mag init ang ulo ko sa taong 'to.
"Sabi mo sumakay ako, tapos nang makasakay na ako pabababain mo naman ako, ano bang trip mo?" nakashabu yata 'tong taong 'to eh.
"Dito ka sumakay sa passenger seat at hindi dyan sa backseat. Anong palagay mo sakin, driver mo?"
Oh? Pwede din.
Lumipat na ako sa passenger seat at saka sinimulan nyang paandarin yung sasakyan.
Habang nasa byahe ay parang nabibingi ako dahil sa katahimikan, gusto kong dumakdak. Sumulyap ako sa lalaking katabi ko na seryosong nagdadrive.
Ano kayang binabalak nya?
"Saan tayo pupunta?" Di ko na napigilang itanong. Nag aantay ako ng sagot mula sa kanya pero hindi sya nagsalita. Baka hindi nya narinig, uulitin ko na lang.
BINABASA MO ANG
His and Her Heartbeats [Completed]
Teen FictionHe is a cold hearted guy or should other says a heartless jerk. Siya yung taong hindi titigil hangga't hindi nakakaganti sa mga taong ginawan sya ng masama, yan si Lio Avestruz. A simple and a cheerful yet a tough girl. Minsan hindi nya nakokontrol...