Lio's POV:
"Hanggang ngayon ay sinusubukan ko pa rin syang tawagan pero wala. Gusto ko rin syang makausap Lio, ang buong akala ko talaga ay patay na sya pero naghahanap lang pala ako ng hustisya para sa wala!"
Maging si Liam ay hindi makapaniwala sa nangyari.
"Liam, nabackground check mo ba yang Tita at Tito mo? Lalong lalo na yang pinsan mo? Wala ba sila sa tamang pag iisip at nagagawa nila ang mga bagay na yan? At kelan pa naging Soo ang apelyido nila? Pati ang pangalan nya, ang alam kong pangalan nya ay Miya, bakit ngayon naging Karlean na? Kaya naman wala akong kaalam alam."
"Kailan lang nakasal ang mga magulang ni Miya. Noong nandirito pa sya sa Pilipinas, apelyido pa ni Tita ang ginagamit nya, yun ay ang Angeles. Pero alam ko, na Soo ang apelyido ni Tito. Siguro nang magpakasal na sila ni Tita, saka lang ginamit ni Miya yung apelyido ng Dad nya." Huminto si Liam sa pagsasalita at inubos ang natitirang alak sa baso nito. "At Karlean talaga ang totoong pangalan nya, nickname nya lang ang Miya. Namatay na ang kapatid ni Miya kaya naman siya na lang ang kaisa isang magmamana ng mga business na itinayo ng mga magulang nya. Kaya ngayon, sunod sunuran na sya sa mga magulang nya lalong lalo na sa Dad nya. Hindi rin sya nakapagdedesisyon para sa sarili nya dahil si Tito ang kumokontrol nun. Kung tutuusin, nakukuha naman nya lahat ng gusto nya pero... ewan ko ba!"
"I'm not interested with her life, all I want is to get her out of my life! Mauulit na naman ba ang dati? Yung habol sya ng habol sa akin? Liam, alam mong lahat yan at ngayon pa ba? Ngayon pa ba na meron na akong babaeng mahal. Ayaw kong magsinungaling kay Yannah tungkol kay Miya pero kapag nalaman nya ang lahat, natatakot ako na baka iwanan nya ko at ayaw kong mangyari yun."
"Bakit ba hindi mo nagawang mahalin o tignan man lang si Miya noon bilang isang babae? Is there something wrong with her?" nagulat ako sa sinabi ni Liam. Huwag nyang sabihing pati sya ay ipagtutulukan sa pinsan nya.
"Nakikita nya lang sa pisikal na anyo ko yung lalaking minahal nya noon, pero hindi ako yun. Kung hindi ko man sya kayang mahalin noon, pwede pa sigurong naging magkaibigan kami, pero ngayon? Kahit kaibigan hindi ko kayang ibigay sa kanya. Nasusuklam ako sa pinsan mo Liam. Wala akong pakealam kung masaktan ka man sa pinagsasabi ko tungkol sa pinsan mo. Alam kong malapit ka sa kanya dahil isa ka lang ding anak, kapatid na ang turing mo sa kanya. Masisisi mo ba ako kung bakit ganito na lamang ang pagkasuklam ko sa kanya? Kasalan ko ba kung hindi ko masuklian yung pagmamahal na nararamdaman nya para sa akin?" unti unti na namang umusubong ang galit ko sa ginawa nang babaeng yun. Hindi lamang sa kanya pati na rin sa mga magulang nya. Pati na rin sa sarili kong Ina.
"So anong plano mo? Ipagtabuyan ulit sya? Naiintindihan kita Lio. Alam ko naman na mali talaga ang ginawa ni Miya, pero mahal ka lang nya kaya nya nagawa yun. Hindi nya din kasalanang mahalin ka."
"Hindi ko na rin kasalanan kung minahal nya ako dahil kahit kelan hindi ako nagbigay sa kanya ng motibo para mahalin nya ako. Nilinaw ko na yan sa kanya pero anong ginawa nya? Gumawa sya ng eskandalo at sinangkot pa ang pangalan ko. Pinagbayaran ko ang kasalanang wala naman akong kaalam alam. Tapos ngayon malalaman kong isa lang palang kasinungalingan ang lahat?!" Hindi nagsalita si Liam sa sinabi ko.
Para sa akin, balibaliktarin mo man ang mga nangyari, ang babaeng yun ang may kasalanan ng lahat. Kung bakit naging ganito ako, kung bakit hindi ko magawang patawarin ang mga taong gumawa sa akin ng kasamaan hangga't hindi ako nakakapaghiganti sa ginawa nila.
"Liam alam ko na marami ka nang nagawa para sa akin at nagpapasalamat ako dun. Isa na lang ang gusto ko, ilayo mo na sya sa akin, ilayo mo na sa akin ang pinsan mo habang hindi pa sukdulan ang galit ko sa kanya. Dahil nadadagdagan lang ng nadadagdagan ang galit ko sa twing nakikita ko sya. Masasaktan lang sya ng masasaktan kapag ipinagpilitan nya pa rin ang gusto nya."
BINABASA MO ANG
His and Her Heartbeats [Completed]
Genç KurguHe is a cold hearted guy or should other says a heartless jerk. Siya yung taong hindi titigil hangga't hindi nakakaganti sa mga taong ginawan sya ng masama, yan si Lio Avestruz. A simple and a cheerful yet a tough girl. Minsan hindi nya nakokontrol...