VJ's POV:
"Yow!" sagot ko sa tawag ni Carlo.
[Nasaan ka?]
Aba’y matinde! May pagnanasa na rin yata sa akin 'tong si Carlo.
"Nagpapa-gwapo bakit?"
[Pakisundo naman si Lio, naipit ako sa traffic. Itetext ko sayo yung address ng bar kung nasaan sya.]
"Ha? Bakit? Anong nangya—" Anaknang! Hindi pa nga ako tapos magsalita eh.
Pagkatanggap ko ng tinext na address ni Carlo ay nagmadali na akong umalis dahil 'tong si Carlo ay wagas kung makapagmadali. Nabitin tuloy ang pagpapagwapo ko. Ano na naman kayang kabulastugan ang ginawa nung Lio na yun.
Wala pang trenta minutos ay nakarating na agad ako sa bar na tinext sa akin ni Carlo. Agad kong nakita si Lio na nakayukyok sa pinakasulok na bahagi ng Bar. Pagkalapit ko sa kanya ay may lumapit rin sa aking lalaki, may ari ng Bar at sinabi ang mga nangyari.
Halos nanlaki ang mapupungay kong mga mata. Anak ng pusang gala lang! Hindi ko alam kung magpapasalamat ako o hindi at dala ko ang credit card ko. Aba'y halos maubos ang laman nun nang bayaran ko lahat ng pinsalang ginawa ni Lio sa loob ng Bar na ito. Halos gibain na nya yung buong lugar nang ilibot ko yung paningin ko sa loob.
"Oy Lio, ano bang nangyayari sayo? Pasalamat ka at nabayaran ko na lang yung mga taong halos patayin mo na sa bugbog. Natitigan ka lang, binugbog mo na? Aba’y matindi kang nilalang. Ako nga galak na galak pa kapag tinititigan ang kagwapuhan ko, ikaw naman halos pumatay na." Tumingin ako sa rearview mirror para makita ko 'tong Lio na 'to na nakaupo sa backseat na puro sugat ang pagmumukha. Para lamang akong kumausap sa hangin dahil wala naman akong nakuhang sagot mula sa kanya. Alam ko may pagkagago rin 'tong lalaking ito, pero sa halos tinagal tagal na naming nagkakasama, ngayon ko lang sya nakitang nagkakaganito. Isa lang ang nakikita kong dahilan kung bakit nagkakaganito sya, at yun ay yung relasyon nila ni Yannah. Hindi ako chismoso dahil gwapo lang ako pero gusto kong malaman kung ano ang nangyari sa kanilang dalawa. Nasaksihan ko kung paano nya pagsalitaan ng masasakit si Yannah para lang mawala na ito sa paningin nya. Napahinto ako sa mga pinag-iisip ko nang biglang tumawag si Carlo.
"Oh Carlo."
[Nasundo mo na ba si Lio?]
"Oo, langy Carlo, hindi mo naman sinabi ng agaran na balak pa lang gibain ni Lio yung Bar doon at i-massacre ang mga tao doon. Pasalamat na lang at kilala ko yung may ari nung bar na iyon, kung hindi sa kulungan ang bagsak nito. Saan ko ba dadalhin ‘tong lalaking ‘to? Ididiretso ko na ba ng sementeryo?"
[Umayos ka VJ, idiretso mo na lang sa Peach House, malapit na rin ako.]
Ilang minuto lang ay nasa tapat na kami ng Peach House. Halos pasibatin ko na yung sasakyan ko dahil halos manginig na ang lamang loob ko dahil panay na ang tawag sa akin ni Ynah. Anaknang! Nawala sa isip ko na magkikita pala kami ngayon. Pagkahinto ko ng sasakyan ay agad ko nang kinuha si Lio at inakay na papasok sa loob.
Yannah's POV:
Maaga sana kaming magsasara ni Ate Ella dahil kami nga lang dalawa ang tao dito sa Shop. Wala si Kuya Charles dahil sinundo nito yung kapatid nya sa probinsya, maging si Carlo ay wala rin dahil tinawagan ito ng Mama nya. Pero mag aalas nuebe na ay hindi pa rin nawawalan ng tao sa Shop.
Nang maubos na rin ang mga customers ay nagpasya na rin kami ni Ate Ella na magsara. Kinuha ko na yung gamit ko sa kabilang side ng Peach House. Napalingon na lamang ako sa pintuan nang makita ko si VJ na akay akay si Lio.
BINABASA MO ANG
His and Her Heartbeats [Completed]
Fiksi RemajaHe is a cold hearted guy or should other says a heartless jerk. Siya yung taong hindi titigil hangga't hindi nakakaganti sa mga taong ginawan sya ng masama, yan si Lio Avestruz. A simple and a cheerful yet a tough girl. Minsan hindi nya nakokontrol...