Yannah’s POV:
Hay, akala ko talaga makukulong na ako.
Yung totoo ay natatakot talaga ako, kahit naman palaban ako eh natatakot pa din ako. Nung may tumawag dun sa Mamang Pulis at sinabing pinalalabas na ako eh parang nawala lahat ng laman loob ko dahil sobrang gumaan yung pakiramdam ko at gusto kong magta-thumbling sa tuwa.
May puso din pala yung lalaking yun kahit kaunti. Pero nung sinabi nyang pumunta ako ng Peach House ng alas tres ng madaling araw, binabawi ko na ang sinabi ko na may puso sya.
Ano naman kayang gagawin namin nun? Jusko! Hindi kaya totoo yung binansag ko sa kanyang halimaw sya tapos lalapain nya ako at kakainin ang mga laman lamanan ko?
Hindi nga ako makukulong pero matotorture naman ang kaawa awa kong katawan. Tsk!
Past seven na ng gabi ako nakauwi sa bahay, kaya dirediretso ako sa kawarto ko. Baka makita na naman ako ng Kuya kong pinaglihi sa sama ng loob.
"Hay..." pabagsak kong inihiga yung katawan ko sa kama."Ay teka, nasaan na kaya yung cellphone ko."
Kinapa kapa ko sya sa bag ko habang nakahiga, tsk! hindi ko makapa kaya binuhos ko na lang ang laman ng bag ko, yung bag kong akala mo basurahan sa gulo. Naalala ko na nahulog pala iyon kanina sa ilalim ng kama ko.
Bumaba ako ng kama para silipin yung ilalim at dun ko nga nakita yung cellphone ko.
"Uy may 6 messages." Bihira lang akong maghawak ng cellphone, minsan one week ko syang hindi nakikita, kasi nakakalimutan ko kung saan ko sya naihahagis. Wala naman kasing importanteng nagtetext sa akin bukod kay 206 at Smart.
Pag bukas ko...
2 messages from SMART
2 messages from 206
1 Smart Alert from unknown number.
Kainis! sa akin pa talaga nag smart alert ah? Ako nga hindi nagloload tapos ikaw loloadan ko, ano ka ka sinuswerte?
May isa pang nagtext, pero galing din sa unknown number. Napaisip ako kung sino yun ng...
Ohmygod!
Baka si Carlo ng buhay ko 'to. Pero paano naman nya nalaman ang number ko, hindi ko naman iyon binigay. Hindi kaya pinagtanung tanung nya? Nadiscover nya na crush nya pala ako kaya hinanap nya talaga ang number ko at ngayon ay nagtext sya para ipagtapat na ang tunay nyang nararamdaman?
Hanep sa imagination! Sana nga ay ganun.
Iniimagine ko kung kay Carlo ngang text ito. Ano kayang text nya sa akin?
Baka ganito.
Hi, this is Carlo, do you remember? Can you go out with me for a date.
O kaya naman.
Hi! Carlo here, remember? You know what, when I first saw you, I can't get you out of my mind.
O kaya eto pa.
Hi, This is Carlo, remember? I'll be straight to you, I like you and I want to marry you.
Ganito talaga ako kapag may crush, iniimagine ko na ang lahat ng pwede kong iimagine. Excited na akong basahin yung text.
Pag bukas ko.
BINABASA MO ANG
His and Her Heartbeats [Completed]
JugendliteraturHe is a cold hearted guy or should other says a heartless jerk. Siya yung taong hindi titigil hangga't hindi nakakaganti sa mga taong ginawan sya ng masama, yan si Lio Avestruz. A simple and a cheerful yet a tough girl. Minsan hindi nya nakokontrol...