Chapter 18:

2.7K 70 17
                                    

Yannah's POV:


"Good Morning! Welcome to Pea-" napahinto ako sa pagbati dahil ang pagmumukha ng mga baliw kong kaibigan ang bumulaga sa akin.


"Anong ginagawa nyo dito?" gulat na tanong ko.


"Bibili bakit?" mataray na sagot nung baklang Jose.


"Bawal ang mga baliw dito." pagtataboy ko sa kanila.


"Eh di bawal ka din dito!" sagot ni Cristina.


"Oy! Customer kami dito, ganyan nyo ba tratuhin ang mga customers nyo? As far as I know, as a management student of Peninsula College, customers are the most vital assets of the company, and this business could not exist without 'US' as your 'CUSTOMERS'"


Napanganga naman kaming tatlo sa tuloy tuloy na pagsasalita ni Luciel.


Anong nangyari?


"Hala! Yung friend natin sinaniban ni Peter Drucker." sabi ni Cristina na inalog alog pa yung braso si Luciel.


"Sino yun, gwapo ba yun?" tanong ni Jose.


"Bobo! Halatang hindi ka nakikinig sa Management 4. Puro kasi panunuod ng porn sa cellphone mo ang inaatupag mo kapag nagkaklase tayo." sagot ni Cristina.


"Eh sino nga kasi yun? Gwapo ba yun, ipakilala mo naman ako?"


"Sige i-google mo kung saan sya nilibing, hukayin mo yung bangkay nya at magpakilala ka. Bobo! Si Peter Drucker, sya yung father of modern Managemet."


"Anong meron? Bakit ang dami nyo yatang alam ngayon? Pero kapag exam eh nag uulyanin na kayo?" sabat ko. "Uy Luciel saan mo hinugot yung mga pinagsasabi mo kanina?"


"Stock knowledge." tipid nyang sagot.


Natulala na lang kaming tatlo.


"Oy Yannah, wala kang planong i-assist kami? Anong palagay mo sa amin mahirap na katulad mo na walang pambili?" si Cristina.


Nagtuloy tuloy na silang pumasok sa loob at umupo sa isang bakanteng table, sumunod na rin ako sa kanila.


"Oo nga, saka nasaan na ba yung boss mo? Tawagin mo na at nang maorder ko na at maiuwi ko na sa bahay namin." si Jose na nagpalinga linga pa ng tingin na animo'y may hinahanap. Hinampas ko sya sa braso dahil sa pinagsasabi nya.


"Hinaan mo nga yang busarga mong nguso, nakakahiya ka, marinig ka nung mga crew."


"Eeh, nasan na nga kasi? Yun lang ang pinunta namin dito." nakalunok yata ng megaphone 'tong bakla na 'to, napakalakas talaga ng boses.


"Eh di lumayas na kayo dahil wala sya dito. Pumasok yun sa school." kinakabahan talaga ako sa tinatakbo ng isip nitong tatlong ito, lalo na sa baklang ito. Kailangang mapaalis ko na sila bago pa dumating si Carlo. Baka reypin nila si Carlo ng buhay ko. Hindi maari, hindi! Gusto ko ako lang ang rereyp kay Carlo.


Ay jusko, ano ba itong iniisip ko?


"Eh di hihintayin namin." sabat ni Cristina.


Ano?


"Bawal dito ang tambay at hindi oorder. Kaya lumayas na kayo, walang mauupuan ang ibang customer." Nakakaasar talaga 'tong tatlong to. Mamaya maya lang nandito na si Carlo, tapos kapag nagising pa si Lio at pumunta dito. Hayy naku talaga!


His and Her Heartbeats [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon