Yannah’s POV:
“A-Ahm, Carlo.” Sinundan ko si Carlo nang papasok na sya sa kabilang side ng Peach House, pauwi na kasi ako at magpapaalam na ako sa kanya. Gusto ko rin syang makausap kung bakit naging parang malamig yung pakikitungo nya sa akin, wala naman akong matandaang ginawa ko o ginawang mali sa trabaho ko.
Saglit nya lang akong sinulyapan at nagdirediretso sa kitchen. “Aalis na ako.” sabi ko. Binuksan nya yung ref. at bahagyang yumuko para silipin ang mga laman doon.
“Kumain ka muna.” Malamig nyang sabi habang sa ref. pa rin nakatingin.
“Ah hindi na, sa bahay na.” Ano ba yan, parang ang pangit naman sa pakiramdam nito. Napayuko na lang ako, paano ko ba sasabihin kay Carlo ‘to. Kailangan ko syang makausap habang wala si Lio. Kapag nagkakausap kasi kami ni Carlo ay bigla bigla na lang sumisingit ang isang iyon. Maagang umalis yung lalaking yun dahil may mga hindi pa raw sya natatapos na requirements sa school nila. Naghihintay din si VJ sa kanya doon, nauna lang umuwi si Carlo.
“A-Ah... Carlo.” nag angat ako ng tingin, may nilabas syang tupperware mula sa ref. at nilapag sa mesa. Nag angat din ng mukha si Carlo at binigyan ako ng blankong tingin kaya lumapit ako sa kanya. “Ahm...” akala ko palagay na ang loob ko kay Carlo, pero bakit ganito, nakakailang sya kapag sobrang seryoso nya. “May problema ka ba sa akin—ahm... ang ibig kong sabihin, may problema ba sa trabaho ko? May nagawa ba akong mali sa trabaho ko?” napabuga ako ng hangin pagkatanong ko nun.
“Wala naman, bakit?” tanong nya. Hindi talaga ako sanay ng ganito sya.
“Eh kasi...” umalis sya sa harapan ko at pumunta sa microwave dala yung tupperware para initin. Didiretsahin ko na nga sya. “Galit ka ba sa akin?” huminto sya saglit bago nagpatuloy sa ginagawa habang nakatalikod sa akin.
“Wala naman kasi akong matandaang ginawa ko. Napapansin ko lang na parang... hindi mo na ako masyadong pinapansin, hindi mo ako kinakausap.” Nang naipaikot na nya yung timer ng microwave ay humarap sya sa akin. Bahagya akong napaatras sa paglapit nya, tuloy tuloy kasi syang lumapit sa akin na para bang babangain ako. “M-May nagawa ba ako na ikinagalit mo? S-Sabihin mo naman sa akin Carlo dahil hindi ako sanay ng ganyan ka.”
“Hindi ako galit sayo.” tumagilid sya sa akin at itinukod yung dalawang kamay sa mesa. “I just want to be alone for now.” Lumingon ulit sya sa akin. “And I just don’t feel like talking to anyone.” Dumiretso ulit sya ng tingin, pero hindi sa akin. Hindi ko sya maintindihan, ano kayang problema nya? “Because I’m still hurting.”
Umayos sya ng tayo nang tumunog yung microwave, hudyat na tapos na yung iniinit nya. “Hindi ako galit sayo, don’t mind me if I’m acting strange this fast few days. Mawawala din yung sakit na nararamdaman ko dito.” sabay turo nya sa kaliwang dibdib nya.
Ang weird, hindi ko maintindihan si Carlo. Ang naintindihan ko lang ay hindi sya galit sa akin, pero ano kayang problema nya? ‘I’m still hurting’. Anong ibig sabihin nya sa sinabi nyang yun? May sakit ba sya?
Oh baka naman...
Ay, ang tanga mo Yannah! Broken hearted si Carlo kaya nagkakaganyan sya. Sino kaya yung babaeng yun na nagpapasakit ng damdamin ni Carlo? Almost perfect na si Carlo tapos sasaktan pa sya? Ang tanga lang talaga nung babae, kung nangyaring wala si Lio at nanligaw sa akin si Carlo... naku! Ibubuka pa lang nya ang bibig nya, sasagutin ko na agad sya ng Oo. Kaso wala eh, nainlove na ako sa boyfriend kong pinaglihi sa sama ng loob.
BINABASA MO ANG
His and Her Heartbeats [Completed]
Teen FictionHe is a cold hearted guy or should other says a heartless jerk. Siya yung taong hindi titigil hangga't hindi nakakaganti sa mga taong ginawan sya ng masama, yan si Lio Avestruz. A simple and a cheerful yet a tough girl. Minsan hindi nya nakokontrol...