Chapter 58:

1.8K 42 3
                                    

Yannah’s POV:


Nakaparada yung sasakyan ni Lio di kalayuan sa bahay namin, hindi sya huminto sa tapat ng bahay namin.


“Oh? Ang layo naman nya, nandito ang bahay natin.” Sabi ni Mama dahil nandito kami sa harapan ng bahay.


“Ah, ako na lang ang lalapit sa kanya, ba-baye ‘Ma—“



“Hindi, papuntahin mo dito, kakausapin ko nga diba?” pinandilatan ako ng mga mata ni Mama.



Eh?



Kinuha ko yung cellphone ko sa pouch ko at tinext si Lio na lumapit sa amin. Maya maya lang ay umandar na yung sasakyan niya papalapit sa amin.



Lumaki yung ngiti ko at kumabog ng bongga yung puso ko nang lumabas ng sasakyan si Lio sabay ngiti sa amin. Parang na-stuck na lang yung mga mata ko sa kanya.



Bakit ba ang gwapo gwapo nya?



Naka blue turquoise na long sleeve sya na nakatuck-in sa black pants nya na may leather belt.  Pinatungan nya rin ng grey na coat yung long sleeve nya. Napansin ko rin na bagong gupit ito ng buhok dahil mas lalong umaliwalas yung mukha nya. Medyo mahaba haba kasi dati yung buhok nya kaya medyo natatakpan yung gilid ng mukha nya. Pero ngayon... jusko! Mas lalong lumitaw yung pagkamagandang lalaki nya.



Lord! Thank you sa  napakagwapong boyfriend.



“Oy.” nabalik na ako sa katinuan nang sikuhin ako ni Mama.



Natawa na lang ako habang nakatulala pa rin kay Lio na ngayon ay nasa harapan ko na. Syet, ang gwapo nya yalaga.



“Good Evening po.” Bati nya kay Mama.



“Ikaw na ang bahala sa anak ko.” Baling ni Mama kay Lio. “Hanggang alas diyes ko lang sya papayagan, kaya pakihatid na lang din sya ah?”



“Sige po Tita.” sagot ni Lio.



“Saan yan pupunta?” napalingon kaming dalawa ni Mama sa likuran namin.



Si Kuya.



“Ah may pupuntahang party yung kapatid mo.” Sagot ni Mama. Lumapit na rin sa amin si Kuya na diretso lang na nakatingin kay Lio. Sinulyapan ko si Lio at nakita kong ganun din ang titig niya kay Kuya.




“Lio?” banggit ni Kuya.




Ha? Alam ni Kuya ang pangalan ni Lio?




“Sya ba ang sinasabi mong boyfriend mo?” tanong ni Kuya pero hindi nya pa rin tinatanggal yung tingin nya kay Lio.



Tinignan ko ulit si Kuya. “Oo Kuya.” Sandali pang nagtitigan sina Kuya at Lio kaya naman hinawakan ko na si Lio sa braso. “Ah sige ‘Ma, aalis na po kami, Kuya alis na kami.”



“Sige po.” Yumuko si Lio kay Mama saka kami tumalikod.



“Teka lang!” pigil sa amin ni Kuya kaya naman napahinto kami at tinignan siya.



“Ma, bakit nyo pinayagan yan? Hindi nyo kilala yung taong sasamahan nyan?” 



“Yuan!” saway ni Mama.”Sige na Yannah, umalis na kayo, baka mahuli pa kayo.”



His and Her Heartbeats [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon