Yannah's POV:
"Pakasalan mo ako."
A-Ano daw?
"H-Ha?" napakurap ako ng mga mata kaya kumawala na sa mata ko yung luhang kaninang kanina pa gustong tumulo.
"I said Marry me."
"Lio huwag-"
"Seryoso ako." Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at tinitigan ako diretso sa mga mata.
"Oo Lio gusto kitang pakasalan pero, nag aaral pa ako, nag aaral ka pa. Saka wala pa ako sa tamang edad para dun. Pwede pa naman tayong maghintay, kaya kong maghintay basta ikaw Lio, hanggang dumating na yung tamang panahon."
"Wala ng panahon, madaming pwedeng magbago habang hinihintay natin yang sinasabi mong tamang panahon. Pwedeng mawala ka sa akin at pwedeng mawala ako sayo."
Umiling ako. "Hindi Lio, hindi ako mawawala sayo, gusto ko ikaw na yung una at huling lalaking mamahalin ko. Papayag akong magpakasal sayo Lio, pero hindi pa ngayon."
Umiling lang siya at binitawan ang magkabilang balikat ko. Akmang tatalikod na sya sa akin pero hinawakan ko ang kamay nya.
"Lio naman, bakit ba naiisip mo na yang bagay na yan?" pinilit kong iharap yung katawan nya sa akin.
"Dahil ayaw kong mawala ka sa akin." Yumuko siya at tinignan yung kamay kong nakahawak sa kanya.
"Lio hindi sinabi ko naman sayo na hindi kita iiwan." Hindi ko alam kung bakit iba ang dating sa akin ng ikinikilos at sinasabi niya ngayon. Hindi ko alam pero parang iba talaga. Pinisil ko yung kamay nya para sabihing seryoso ako sa sinasabi kong hindi ko sya iiwan.
Hindi pa din sya nag-aangat ng tingin kaya binitawan ko yung kamay nya at niyakap sya. Pinaramdam ko sa yakap ko kung gaano ko sya kamahal.
"Kung dahil pa din ito kay Carlo, Lio maniwala ka naman sa hindi, papiliin mo man ako ng ilang beses sa inyong dalawa ni Carlo, ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko. Kahit parati kang nagagalit sa akin, kahit parati mo akong sinisigawan, kahit nagagalit ka man sa akin at hindi mo ako pansinin hindi pa din magbabago yung pagmamahal ko sayo." Tumingkayad ako para ipulupot ko yung braso ko sa leeg niya. "Sana ganun ka din sa akin Lio." Naramdaman ko ang pagganti ng yakap niya, mas mahigpit kesa sa yakap ko sa kanya.
"Hindi ko alam kung bakit nahulog ang loob ko sayo ng ganito. Alam kong hindi maganda ang una nating pagkikita pero sa tuwing nakakasama kita, parang naipapakita ko yung totoong ako. Hindi na ako nag aalangang gawin ang mga bagay na hindi ko nagagawa dati. Kapag kasama kita, nagagawa ko na ang lahat ng iyon." Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at ganun din ako sa kanya, hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko.
"Hindi ka mahirap magustuhan at mahalin, kaya hindi mo ako masisisi kung bakit ayaw kong magkakalapit kayo ni Carlo ng hindi ko nakikita." seryosing sambit nya.
***
Lio's POV:
"Karlean will celebrate her Christmas and New Year here in the Philippines, so I want you to be with her until New Year."
Tinitigan ko lang si Mama, hindi ko na naman alam kung sinong babae ang tinutukoy nito.
"Ibang babae na naman? Wala na ba kayong ibang alam kung hindi ipakilala ako sa mga babae--"
BINABASA MO ANG
His and Her Heartbeats [Completed]
Teen FictionHe is a cold hearted guy or should other says a heartless jerk. Siya yung taong hindi titigil hangga't hindi nakakaganti sa mga taong ginawan sya ng masama, yan si Lio Avestruz. A simple and a cheerful yet a tough girl. Minsan hindi nya nakokontrol...