Chapter 1

10.3K 132 74
                                    

Yannah's POV:


''Yannah, pakibalik nga itong libro kay Steff. Alas tres ang klase nya, tinext ko na rin sya na ikaw na ang magsasauli.''

"Kuya naman, ikaw ang nanghiram nyan kaya ikaw ang magbalik."

"Dali na, malalate na ako!" imbes na sa tv ako nakatingin ay naaagaw ni kuya yung atensyon ko dahil para syang trumpong paikot ikot dito sa sala.

Pilit ko pa ring itinutuon yung mata ko sa tv.


"Hoy Yannah!" nagulat na lang ako ng biglang namatay yung tv. Dahil ang magaling kong kuya ay binunot yung saksakan ng tv at dvd.

"Oo na Kuya, nakakainis ka naman eh."

Ewan ko ba, hindi naman dating ganyan si Kuya. Aaminin ko hindi talaga kami nagkakasundo, palagi kaming nag aaway, pero hindi naman yata maiiwasan yun sa mga magkakapatid.

Pero kasi, simula nang namatay ang bestfriend nya na si Ate Miya ay malaki ang pinagbago ng ugali nya. Palagi na syang nakasigaw, akala mo tuloy parating may kaaway.

Kung noon ay ngumingiti pa sya, ngayon ay hindi mo na kakitaan. Dalawa na lang ang palaging ekspresyon ng mukha niya, yung mukhang seryoso at mukhang nakasimangot.

Higit pa kasi talaga sa bestfriend ang tingin ni Kuya kay Ate Miya, kaso may ibang lalaking mahal si Ate Miya, kaya naman, hindi nya iyon matanggap, pero kahit ganun pa man ay mahal pa rin talaga ni kuya si Ate Miya.

"Shit! late na talaga ako sa exam ko."

"Yannah yung inuutos ko sayo, bumili ka na rin ng uulamin mo mamayang tanghali. Magluto ka na hanggang hapunan dahil gagabihin daw si Mama. Nandyan na yung pera sa mesa, tapos yung libro, huwag na huwag mong kakalimutan na hindi isauli yan. Kung hindi, tatamaan ka talaga sa akin!" nagmamadaling sabi ni Kuya sabay alis ng bahay.

Naiwan akong mag isa dito sa bahay. Yung mga dinaanan ng magaling kong kuya ay parang dinaanan ng ipo ipo dahil sa gulo.

Dahil sa Wednesday ngayon at wala akong pasok, naktoka akong maglinis ng buong bahay.

Mamaya ko na lang ulit papanuorin yung korean drama na pinanuod ko. Mahilig kasi talaga akong manuod ng mga korean drama. Mabubuhay na nga ako sa isang isla na ako lang ang nakatira basta may dvd akong kasama at sandamukal na mga korean dvd's.

Ako si Yllana Santos, pero Yannah ang tawag nila sa akin. 2nd yr. college na ako sa Peninsula College. Business Administration ang kurso ko at kung tatanungun nyo naman kung bakit yun ang napili kong kurso?

Nakigaya gaya lang ako, yung mga kasabayan ko kasing mga nag eenroll ay ganun din ang kinukuhang kurso kaya ganun na lang din ang akin.

Si Kuya Ylluan naman ang nag iisa kong kapatid. Yuan naman ang tawag namin sa kanya. Nasa 4rth yr. college na sya sa kursong psychology. Matalino si kuya kahit laging mukang rereglahin dahil sa kainitan ng ulo.

Sa ibang school nag aaral si Kuya, sinabi ko talaga kina Mama na ayaw kong mag enroll sa pinapasukan ni Kuya, ayaw ko kasi syang kasama. Nagsasawa na ako sa mukha ni Kuya, palagi na nga kaming nagkikita sa bahay pati pa ba naman sa school?

Kinuha ko na yung libro at pera saka umalis. Pumara ako ng tricycle, at tinuro ko kung saan ang bahay nina Ate Steff sa driver. Kaibigan ni Kuya si Ate Steff, pero sa tingin ko, hindi katulad ng tingin ni Kuya kay Ate Miya ang tingin nya kay Ate Steff.

Habang nasa byahe ako ay biglang umulan. Kainis! Wala akong dalang payong.

Pagkarating ko sa tapat ng bahay nina ate Steff ay dali dali akong sumilong.


His and Her Heartbeats [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon