Yannah's POV:
Two weeks later...
"Hello Carlo?"
[Hi Yannah, are you done with your class? Dadaanan kita dyan.]
Inipit ko sa pagitan ng tenga at balikat ko ang cellphone ko dahil hindi ko sinasadyang mahulog yung librong hawak ko. Katatapos lang ng klase ko at naglalakad na ako palabas ng gate. Dalawang Linggo na lang at matatapos na rin ang summer class ko kaya naman kahit tinatamad na talaga akong pumasok ay pinipilit ko itong tapusin.
"Ah... eh... ah... a-ano kasi Carlo, kasama ko kasi si Cristina, nagapapasama kasi sya sa akin. Salamat na lang Carlo, ayos lang huwag mo na akong sunduin, sorry ah." Pagpapalusot ko. Hindi ko alam pero palagi akong hatid sundo ni Carlo kapag may pasok ako. Nahihiya na ako minsan--hindi lang minsan, nahihiya na talaga ako dahil hindi naman nya obligasyon yun.
[No, don't be sorry, it's okey, just text me if you're home already.]
"Sige, ba-bye."
Pagkaputol ko ng tawag ay lumabas na ako ng Peninsula. Tuminigin muna ako sa relo ko bago tumawid ng kalsada. Lagpas alas syete na at nakakaramdam na rin ako ng gutom. Sa mahagit anim na oras na klase ko ng Accounting ay talagang nauubusan ako ng lakas kaka-compute sa subject na yun. Aaminin kong mahina talaga ako pagdating sa mga computation, pero pinipilit kong maipasa itong subject ko para hindi ako mapag-iwanan.
Mahigit kinse minutos na rin akong nakatayo kakaabang ng jeep ay wala pa ring dumadaan. Panay ang sulyap ko sa relo ko dahil naiinip na ako kakaabang ng jeep. Nang muli akong yumuko para sumulyap sa relo ko ay bigla na lang may tumakip sa ilong ko at sapilitan akong binuhat pasakay ng sasakyan. Gusto kong pumalag, gusto kong manlaban pero unti unting nanghihina ang katawan ko dahil sa amoy ng panyong nakatakip sa ilong ko.
***
Unti unti kong idinilat ang mga mata ko, hahawakan ko sana ang batok ko dahil pakiramdam ko ay nangalay ito mula sa pagkakatulog ko pero nang iaangat ko na ang kamay ko ay hindi ko yun maiangat.
Doon ko lang nalaman na nakatali ang dalawa kong kamay sa upuang inuupuan ko, ganun din ang mga paa ko. Pilit kong hinahatak ang pagkakatali ng kamay ko sa upuan pero nasasaktan lang ako. Iginala ko ang paningin ko sa paligid, wala akong ideya kung nasaang lugar ako, basta ang nakikita ko lang ay nasa luma akong kwarto.
Ilang saglit lang ay bumukas ang pinto at may iniluwa itong limang kalalakihan at isang babae na nakayakap sa isa sa mga lalaki. Kung titignan ay hindi nalalayo sa edad nina Carlo at Lio yung mga lalaking ito, at mukhang kaedaran ko rin yung isang babae. Pero bakit? Anong ginagawa nila dito? Sila ba yung kumuha sa akin habang nag aabang ako ng jeep? Anong kasalan ko sa kanila? Hindi ko sila mga kilala.
Isa isang nag upuan ang limang lalaki sa couch at nag abutan ng tig iisang bote ng alak. Naiwang nakatayo ang isang lalaki na nakasuot ng green na t-shirt at yung babae, saglit itong nag usap at naghalikan sa harapan ko. Ilang sandali lang ay umalis na rin yung babae kaya tanging yung limang lalaki ang naiwan dito at ako. Lumapit sa akin yung lalaking nakasuot na green na T-shirt at hinawakan ako sa baba. Iniwas ko ang baba ko sa kanya pero nahawakan na nya iyon ng mahigpit.
"Ano bang kasalan ko sa inyo?"
Imbes na sumagot ay nginisihan lang ako nung lalaki at hinaplos haplos ang mukha ko.
"Bryan! Huwag mo sabihing natype-an mo na yan!" rinig kong sigaw ng isa sa mga lalaking nakaupo sa couch habang nakikipag inuman sa mga kasamahan nito at nagtatawanan.
BINABASA MO ANG
His and Her Heartbeats [Completed]
Teen FictionHe is a cold hearted guy or should other says a heartless jerk. Siya yung taong hindi titigil hangga't hindi nakakaganti sa mga taong ginawan sya ng masama, yan si Lio Avestruz. A simple and a cheerful yet a tough girl. Minsan hindi nya nakokontrol...