Carlo’s POV:
"Lio ano bang nangyari sayo?" agad na tanong ko pagkakita ko dahil sa hitsura nya.
"Binugbog ka ba nung babaeng herculesa na yun?" sunod na tanong ni Vj.
"Ang akala ko ba ikaw ang sumuntok kay Bryan, pero bakit ganyan ang nangyari sayo?"
"Pinagtangkaan ka ba nung babaeng yun at nung hindi mo naibigay yung gusto nya eh binugbog ka?" si VJ.
"Binalikan ka ba ni Bryan?" nakakailang tanong na ako ngunit wala akong nakukuhang sagot mula kay Lio.
"Dapat sumunod ka na lang sa kagustuhan nya na rape-in ka." hindi ko alam pero napatingi ako kay Vj. Ano bang mga pinagtatanong nya?
"Ano ba kayo?" nabigla ako ng ng kunin ni Lio ang lampshade malapit sa tabi nya at planong ibato kay VJ.
"Gago Lio, masakit yan." Tumayo si VJ at pumwesto sa likuran ko.
"Anong kagaguhan yang pinagtatanong mo? Anong ni-rape?" nilapag na nya yung lampshade at nagsuot ng damit.
"Eh kung hindi ka naman pala binugbog nung babaeng yun, si Bryan ba ang gumawa nyan? Kaya ba hiningi mo sa akin yung buong pangalan nya?" sunod sunod na tanong ni Vj.
"Oo." Sagot ni Lio. Tinitigan ko sya ng makahulugan.
"Pero paano mo naman mapapexpell yung Bryan na yun sa Trending? Langya huwag mo sabihin na sa akin mo ipapagawa yan? Gwapo lang ako pero kahit pagmamay ari namin ang Trending, hindi sila basta basta nageexpel kung wala namang mabigat o masamang rason." paliwanag ni VJ.
"Maeexpell sya sa Trending at sisiguraduhin ko yan." paniniguradong sabi ni Lio. Kilala ko si Lio, kapag may sinabi sya, talagang tinotoo ko.
"Lio, kilala ang pamilyang Torres, kapag ginawa mo yan, paniguradong babalikan ka nila, at kapag nangyari yun malalaman yan ni Tita." Hinuli ko ang tingin ni Lio ngunit umiwas ito sa akin.
"Oo, gago, miyembro ng mafia yung Bryan na yun." Dugtong ni VJ.
"Hindi ito malalaman ni Mama kung hindi nyo sasabihin. Wala silang magiging pruweba na ako ang mag-papaexpel sa Bryan na yun. Alam nila na wala akong kakayahang gawin iyon kung hindi maiinvolve ang magulang ko dito."
"Lio mag isip ka nga, kapag—"
"I said I can handle this Carlo. Pabayaan nyo na lang ako, alam ko ang ginagawa ko. Pero sa ngayon, pwedeng umalis na kayo, gustong kong magpahinga at inaantok ako."
***
Mahigit dalawang linggo na hindi pumasok sa trending si Lio dahil sa mga sugat at pasa nito sa mukha, pero ganunpaman ay maayos na sya. Sa susunod na linggo ay makakapasok na rin ito.
Nangyari nga ang sinabi ni Lio na maeexpel si Bryan sa trending. Walang may alam kung ano ang rason ng pagkaka-expelled nito. Pagkatapos noon, may mga balibalita na may dumukot kay Bryan ngunit natagpuan rin itong bugbog sarado sa isang abandonadong lugar.
Alam kong may alam si Lio doon, sinubukan ko syang tanungin ngunit ito lang ang sinagot nya.
“Hindi ako ang may kagagagawa nun, pero nababagay lang yun sa gagaong yun!”
BINABASA MO ANG
His and Her Heartbeats [Completed]
Novela JuvenilHe is a cold hearted guy or should other says a heartless jerk. Siya yung taong hindi titigil hangga't hindi nakakaganti sa mga taong ginawan sya ng masama, yan si Lio Avestruz. A simple and a cheerful yet a tough girl. Minsan hindi nya nakokontrol...