Chapter 54:

2K 38 5
                                    

Yannah's POV:



"Lio nandito na ako." Nagpalinga linga pa ko sa paligid para hanapin si Lio. Nag aya kasi syang lumabas kami, babawi daw sya sa akin. Pero nakakainis lang dahil mukhang baliktad dahil ako pa yata ang maghihintay sa kanya. Sinabi ko kasi sa kanya na magkita na lang kami sa isang lugar na napag usapan namin at sabay na kaming pumunta ng mall.




[Nandito na rin ako.] sagot nya sa kabilang linya. Luminga linga pa ako pero hindi ko sya makita, nahihilo na ako kakalingon.




"Saan?"




[Tss! Ihinto mo nga yang ulo mo kakalingon! Nasa harapan mo lang ako.]




"Nakikita mo na pala ako bakit hindi mo pa ako nilapitan?" lumapit na ako sa kanya pero hindi ko pa rin ibinababa yung tawag. Ang laking nilalang nitong lalaki na 'to na nakasandal pa sa sasakyan nya, bakit nga ba kasi hindi ko sya nakita. Eh kasi naman, ang gwapo nya sa hitsura nya, nahagip na sya kanina ng mga mata ko pero hindi ko napansing sya yun. Oo gwapo naman talaga si Lio pero wala yatang araw na hindi sya gwapo, pwede kayang kahit isang araw lang makita ko syang pangit?




Kahit nakakunot palagi ang noo nya at nakasalubong ang mga kilay kapag nagagalit, lalo pa syang nagiging gwapo. Ano pa kapag ngumiti?




[Nakakatuwa ka kasing tignan, para kang nawawalang bata.] pinatay ko na yung tawag kahit nagsasalita pa sya sa kabilang linya. Magkaharap na kami tapos nagtatawagan pa kami, load ko kaya yung nasasayang.




"Tuwang tuwa ka lang talagang pagtripan ako." minasamasahe ko pa yung batok at leeg ko dahil medyo nangalay kakalingon sa lalaking 'to na nasa harapan ko lang pala.




"Sumakit?" tanong nya na ang tinutukoy ay yung leeg ko.




"Oo." sagot ko. Kinilabutan na lang ako at parang may umakyat na kuryente sa katawan ko nang bigla nyang halikan yung leeg ko.




"Lio!" napatingin ako sa mga taong dumadaan dahil baka nakita nila yun, nakakahiya! Baka sabihin sa daan pa kami naglalampungan.




Nginisihan nya lang ako sabay hapit sa bewang ko, inakay na nya ako papasok ng sasakyan nya. "You smell good." Rinig ko pang bulong nya.




"Lio, lumayo layo ka na sa akin, bibigwasan na kita, ang manyak mo ah." Narinig ko pa ang paghalakhak nya bago sya tuluyang umikot para sumakay sa driver seat.




Hanggang sa makarating kami ng mall ay iniiwas ko yung sarili ko kay Lio, dahil nararamdaaman ko, ramdam na ramdam ko na inaatake siya ng kamanyakan nya. Kanina pa sya sa sasakyan, sinabihan ko na sya na kapag hindi sya tumino, kakaratihin ko talaga sya.




"Let's eat first." Aya niya, napansin siguro nya na medyo malaki yung agwat sa pagitan namin habang naglalakad kami sa mall, medyo nauuna sya sa paglalakad. Huminto sya at inabot yung kamay ko.




"Okay sige na, hindi na kita mamanyakin." Nakangiting sabi nya, ngumuso lang ako. Yung kaninang kamay nyang nakahawak sa kamay ko ay inilipat nya sa balikat ko. Nakaakbay sya sa akin habang naghahanap ng kakainan namin.




"Lio ang bigat ng braso mo." Reklamo ko dahil nangangalay na yung balikat ko, ang bigat ng braso niya na naakbay sa akin. Tumingin lang siya sa akin at saka ipinadausdos yung kamay nya sa likod ko pababa sa bewang ko at doon nya ako hinawakan.




Nang makarating na kami doon sa lugar na sinasabi nyang kakainan namin ay agad kaming sinalubong nang waiter.




"This way Sir." Aya sa amin nang waiter. Ipininaghatak ako ni Lio ng upuan nang makarating na kami sa table namin. Kumunot pa yung noo ko sa ginawa nya, dati rati kanya kanyang upo na kami, minsan pa nga nauuna pa syang umupo sa akin, pero ngayon... ang gentleman nya ah.




His and Her Heartbeats [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon