Chapter 24:

2.8K 67 10
                                    

Yannah's POV:




"Ok you may go now." pagkasabi ng professor namin nang salitang iyon ay isa isa na kaming nagsilabasan ng classroom.




"Oy hintayin nyo ako sa hallway ah, kukunin ko lang yung libro ko kay Bernard." Nagmamadaling sabi ni Jose, si Bernard ay classmate namin sa isa naming subject.




"Bakla ka! Lalandi ka na naman bago ka umuwi." sabi ni Luciel.




"Gaga! Basta hintayin nyo ko." Nagtatatakbo ng pababa ng hagdan si Jose.




"Mag CR muna tayo." Sabi ni Luciel sa amin ni Cristina.




"Iihi ba kayo?" tanong ni Cristina ng nasa loob na kami ng CR.




"Hindi, magreretouch lang." sagot naman ni Luciel habang nilalabas yung make up kit nya.




"Do-drawingan mo na naman yang mukha mo, penge ngang tissue." Sabay hablot ni Cristina ng tissue sa bag ni Luciel.




"Anong palagay mo sa akin yung baklang Jose?" irap ni Luciel na nakaharap na ngayon sa salamin.




"Hintayin nyo ko ah, iihi lang ako."




"Oo na." Sagot ko naman habang sinusuklay ko yung buhok ko.




"Yuuck! Bwaack! Kadiri! Kadiri!" nagulat kami ni Luciel pati yung ibang mga estudyanteng kasama namin na nagsasalamin nung lumabas si Cristina sa CR at nagtatatarang.




"Anong nangyari sayo?" tanong ko sa kanya.




"Kadiri! May menudong lumulutang sa sa bowl! Napakababoy naman nung babaeng yun, dito pa talaga nagkalat! Lalabas na ako, hindi na ko iihi, kadiri talaga!" natatawang sinundan na lang namin palabas si Cristina.




"Menudo ba talaga?" tanong ni Luciel habang pababa na kami ng hagdan.





"Huwag mo nang ipaalala utang na loob, nasusuka ako! Baka hindi pa ako makakain ng hapunan nyan mamaya kapag naala ko." sagot ni Cristina.




Pagkadating namin sa hallway ay umupo muna kami sa mga upuan kasama nung ibang mga estudyanteng nakatambay din.




"Nasaan na ba yung baklang yun?" nagpalinga lingang sabi ni Luciel.





"Teka, itetext ko." sabi naman ni Cristina.




"Uy Uge, di ka pa uuwi?" tanong ko dun sa isa naming baklang classmate. Parang natanaw ko na sya kanina na lumabas ng gate, bakit ngayon nandidito na naman sya sa loob? Nang-hahunting na naman siguro 'tong bakla na 'to nang mga Engineering student.





"Umaawra na naman yan sa mga lalaki." sabat naman ni Luciel.




"Ay, mga Bekz, pauwi na nga dapat ang lola nyo, kaso may nakita akong super gwapo sa labas ng gate, kaya pumasok ulit ako. Hindi pa ba kayo lalabas? Sasabay ako sa inyo para makita ko ulit yung gwapo."kinikilig kilig na sabi ni Uge.





"Naku, boyfriend ko lang yun, hinihintay ako." sabat naman ni Cristina habang ngtetext.




"Kapag yan hindi gwapo, humanda ka saming bakla ka." sabat naman ni Luciel.




"Ay day! Makalaglag panty ang kagwapuhan nya. Pinagtitinginan na nga din yun ng mga panget nating schoolmate na nag uuwian." May pahampas hamaps pang sabi ni Uge kay Luciel.





His and Her Heartbeats [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon