Chapter 19:

2.6K 66 16
                                    

Yannah’s POV:



“Hi Yannah.” Hala! Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Todo pa naman ang panalangin ko na sana mamaya na dumating si Carlo pero nandito na sya. Binati pa talaga ni Ate Ella kaya naman narinig agad nung tatlo. At yung tatlo natulala na kay Carlo na naglalakad papalapit sa akin. 



Alam kong hindi aalis 'tong tatlong 'to hanggat hindi sila nakakapagpakilala at nakakakamay kay Carlo, nakakaasar talaga. Wala pa naman kaming pasok ngayon dahil Wednesday, malamang hanggang mamaya 'tong tatlong ‘to dito.



“Ah Car—“ sisimulan ko na sanang ayain si Carlo sa kusina para
chikahin kunwari doon pero bigla syang nagsalita.



“Hanggang alas kwatro lang tayo ngayon ah.”



“Bakit?” sabay na tanong nina Ate Ella at Kuya Charles, ako naman kumunot lang ang noo, bakit kaya? Pero ayos din yun, maaga akong makakauwi. Hanggang 10:00 pm kasi bukas 'tong Shop.



“Let’s have some get together, kainan lang, food trip, bonding, saka pa-welcome na rin kay Yannah at Charles bilang bagong hired ng Shop.” Nakangiting paliwanag ni Carlo. 



“Talaga.” tuwang tuwang sabi ni Ate Ella.



“Wala ka namang pasok ngayon Yannah hindi ba?”humarap sa akin si Carlo.



“Ah, oo pero p-paano si Lio, malalaman nya—“



“Dont worry, alam na nya, in-explain ko na sa kanya.”kumindat na naman sya sa akin.



Wala na, game over na. Carlo naman eh! Konti na lang talaga, mahahalikan na kita. Huwag mo akong kinikindatan ng ganyan.



“Ah eshkushmi.” nabaling yung atensyon namin ni Carlo sa tumawag na customer.



Jusko! Nagsisimula ng duma-moves yung tatlong baliw, nagsisimula na ring mamilipit yung dila nung bakla. Lumapit na ako dun sa table ng tatlo para pigilan ang mga binabalak nilang kasamaan.



“Ah eshkushmi sher.” tawag ulit nung bakla.



Dineadma ako nung tatlo, at napatingin ako sa tinatawag nila, walang iba syempre kung hindi si Carlo. Pinandilatan ko sila ng mga mata pero inirapan lang nila ako. Lumapit naman agad si Carlo sa table nina Jose.



Kawawa naman si Carlo ng buhay ko, kagagaling nya lang sa school eh, malamang pagod pa sya. Pero bago pa makalapit si Carlo doon sa tatlo ay hinarang ko na sya.



“Ah ako na Carlo magpahinga ka na muna.” nginitian ko sya.




“Oy, hindi naman ikaw ang tinawag namin, si Carlo nga eh.” sabi ni Jose.



Wow ah! 'tong baklang to, maka-Carlo matindi, close na ba sila?



“Ayos lang.” sagot naman ni Carlo saka lumapit na ng tuluyan sa table nina Jose.



“Hi!” bati nung tatlo. Mahaharot talaga! Inirapan ko sila, pero yung ngiti nila kay Carlo eh wagas na wagas.



“Ikew be mey eri nitow?” malanding tanong ni Jose. Bwiset, ako ang nahihiya sa kanila sa totoo lang.



“Yes, anong order nyo?” tanong ni Carlo, nasa likod lang nya ako at hindi umaalis. 



“Ahihihi! Eno—“ napatingin sa akin si Jose kaya nilingon ako ni Carlo sa likuran nya.



His and Her Heartbeats [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon