Yannah's POV:
"Uy boy may gwapo!" sigaw ni Jose na nakasilip sa pintuan ng classroom. Kahit nakayukyok ako sa desk ko ay nakatanaw ako sa kanya.
"Saan? Saan?" mabilis pa sa alas kwatrong takbo nina Luciel at Cristina papunta kay Jose.
"Ayun oh?" turo ni Jose.
"Saan?" palinga lingang sabi ni Luciel.
"Ano bang klaseng mata yan, ayun oh!" hinawakan ni Jose ang mukha ni Luciel at itinapat dun sa sinasabi nyang gwapo.
"Aray! Mabali naman ang leeg ko." angal ni Luciel.
"Ano ba naman yan, wala talagang taste yang mata mong bakla ka. Ang pangit pangit nyan." sabat ni Cristina.
Ang iingay naman nitong mga baliw na 'to, hindi tuloy ako makaidlip.
Binitawan na ni Jose ang pagkakahawak nya sa mukha ni Luciel."Pangit ka dyan, ang laki kaya. Hihihi."
"Siraulo kang baklita ka. Iba naman pala ang tinitignan mo." sabi ni Luciel sabay hampas sa braso ni Jose.
"Sino ba naman kasing may sabi sa inyong tumingin kayo sa mukha. Dun ako nakatingin sa ano' nya eh hihi, alam nyo na."
"Ang landi mo pa ngang bakla ka. Ipa-gang rape ka namin eh ng matanggal yang kakatihan mo sa katawan." nakairap na sabi ni Cristina.
"Ay, gusto ko yan! Kelan? Kelan? Iset nyo na dali!" nagtititiling sabi ni Jose.
"Ay grabe, ang landi mo talaga!" si Luciel.
"Che! Alam nyo namang greatest dream ko ang ma-gangrape. Kaya lang walang nagtatangka sa akin. Lahat na ng mga delikadong eskinita sa lugar namin ay dinadaanan ko na sa gabi, kaso yung mga hinayupak na mga rapist, choosy pa! Palay na nga ang lumalapit sa manok ayaw pa." litanya ni Jose.
"Hindi ka naman kasi mukhang palay eh, muka kang tae."sagot ni Cristina.
"Oo nga." pag sang ayon ni Luciel ni Luciel sabay hagalpak ng tawa.
"Che!"
Sabay na tumawa sina Luciel at Cristina.
Hindi na ako nakatiis sa kaingayan nila at nag angat na ako ng ulo."Ang iingay nyo naman."
"Ay! Ang taray ng Lola mo!" si Jose na bumaling ng tingin sa akin.
"Bakit kanina ka pa nakayukyok dyan? Bumooking ka ano?"tanong sa akin ni Cristina, isa isa na silang nagsilapitan sa pwesto ko. Umirap na lang ako at yumukyok na lang ulit sa sa desk ko.
"Uy saan ka pumwesto? Madami bang lalaki?" tanong nina Jose at Luciel. Hindi ko rin sila inintidi.
"Uy!" hinatak ni Jose yung sleeve ng uniform ko nang hindi ko sya sinagot, pero hindi ko pa rin sya pinansin.
"Uy manlibre ka naman, nanlalake ka pala kagabi." si Luciel.
"Baka naman binarat yang friend natin." si Cristina naman.
BINABASA MO ANG
His and Her Heartbeats [Completed]
Teen FictionHe is a cold hearted guy or should other says a heartless jerk. Siya yung taong hindi titigil hangga't hindi nakakaganti sa mga taong ginawan sya ng masama, yan si Lio Avestruz. A simple and a cheerful yet a tough girl. Minsan hindi nya nakokontrol...