Chapter 6:

3K 79 29
                                    

Yannah's POV:

Sabado ngayon kaya 7:30 hanggang 1:30 ang klase namin.

Pagkatunog ng bell ay parang nakahinga na kami ng maluwag dahil uwian na.

"Hay, salamat at uwian na." Nag unat ako ng katawan ko, nakakaboring ang last subject namin eh, Business Law kasi.

Kanya kanya na kaming paalam sa isa't isa, may pasok kasi sa part time nila sina Jose at Cristina, wala na rin kaming ibang gagawin sa school kaya uuwi na lang din kami ni Luciel.

Nagulat ako dahil may bumusina sa likuran ko habang naglalakad ako. Huminto yung kotse sa likod ko at may lumabas na lalake, mukang ka edaran lang sya ni Kuya Yuan.

Binalewala ko na lamang iyon at nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad. Hindi ko naman sya kilala.

 

"Miss!" 

 

"Miss!"

Ako ba ang tinatawag nun? Malamang hindi, hindi ko naman yun kilala. Pero Miss pa din sya ng Miss kaya huminto ako at humarap dun sa tawag ng tawag.

 

"Ako po ba?" sabi ko sabay turo ko sa sarili ko, wala namang ibang tao dito kundi kami lang kaya baka ako yung tinatawag niya. Baka magtatanong sya ng daan.

 

"Yeah, Miss Yllana Santos, right?" sabi nung lalake.

Bakit kilala nya ko, eh hindi ko naman sya kilala. Baka stalker 'to ah.

 

"Ako nga po, bakit?"

 

"Sumama ka sa akin, may warrant of arrest ka." 

Ano daw? Warrant of arrest? Adik yata 'to si Kuya eh. Tirik na tirik ang araw, nangti-trip.

 

"Ako? Baka di po ako yan." sabi ko sabay talikod na.

"Sandali lang!" hinawakan nya ako sa braso. "Sabi mo ikaw si Yllana Santos?"

"Ako nga po pero, bakit po ba may warrant of arrest ako?"

 

"Sa police station ka na lang magpaliwanag." sabi nya sabay tulak nya sa akin papasok ng sasakyan.

 

"T-Teka, teka muna? Ano pong kaso ko?"

 

"Physical Injury and Attempted Murder, kinasuhan ka ni Mr. Lio Avestruz."

 

"Ano?" Halos lumuwa ang mga mata ko sa narinig ko. 

"Sige na, sa presinto na tayo."  pinilit na nya akong pinasakay sa kotse.

Habang nasa loob ako ng sasakyan ay tahimik lang ako, hindi ako kinakabahan kasi alam kong wala naman akong kasalanan. Nag isip isip ako, dapat hindi ako sumama dito, dapat tumakbo na ako kanina.

Pero bakit ako tatakbo? Eh wala naman akong kasalanan diba? Tsk! Bakit kasi hindi ako nakikinig kapag Business Law ang subject namin, ayan tuloy, wala akong alam sa mga ganito. Naiinis ako!

 

"Kilala mo ba yung Lio Avestruz na nagsampa ng kaso sayo?" tanong sa akin nitong lalaking humablot na lang basta sa akin, nasa backseat ako.

His and Her Heartbeats [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon