Chapter 62:

1.5K 28 5
                                    

Yuan's POV:



"Sorry Kuya." Tumalikod ako kay Yannah at huminga ng malalim. Parang hindi ko na kinakaya, sasabihin ko na ba kina Mama? Minsan pa akong napahugot ng malalim na buntong hininga at napapikit na lang ng mariin saka yumuko.




"Kuya pinuntahan mo na ba si Lio? Nakausap mo na ba sya?"




Yun pa ang isang kinabubwisit ko. Hindi ko mahagilap yung pesteng lalaki na yun!




"Kuya ano?"




Huminga ulit ako ng malalim saka humarap kay Yannah. "Pinuntahan ko na sya sa Peach House pati na rin sa paaralang pinapasukan nya. Ang tagal kong naghintay sa labas pero hindi ko sya nakita."




Unti unting napaupo si Yannah at yumuko kaya lumapit ako. "Kuya, ayoko na dito, ayoko ng manatili pa dito. Wala naman akong kasalanan eh." Nagsimula na namang mag unahan ang mga luha nya sa mata. Mas lalo lang rin akong pinanghihinaan ng loob kapag nakikita ko na naman syang umiiyak




"Sasabihin ko na ba kina Mama?" Nag angat sya ng tingin sa akin at umiling.




"Huwag Kuya, puntahan mo pa rin si Lio. Yung cellphone ko, baka tumatawag na yun sa akin. Tumatawag agad yun sa akin kapag hindi nya ako nakikita sa Shop." Sunod sunod nyang sabi.




"Wala nga Yannah! Kung kelan kailangan mo yung lalaking yun saka nawawala! Sasabihin ko na ito kina Mama."




"Kuya huwag! Balikan mo ulit sya dun, sige na Kuya. Ayokong malaman pa ito ni Mama. Kuya maawa ka sa akin, balikan mo ulit si Lio dun, baka nanduon na ulit sya." Unti unting humihina ang boses nya hanggang sa humagulgol na ito. "Gusto ko na talagang lumabas dito Kuya..."




Unti unti akong umupo para mapantayan sya. Nagagalit na ako dahil sa katigasan ng ulo nya pero pilit ko pa ring pinakalma ang sarili ko at pinatigil sya sa pag iyak. "Oo na... sige na, babalikan ko ulit sya. Pero usapan na ito Yannah ah, kapag hindi pa rin nagpakita ang lalaking yun ngayong araw na ito, sasabihin ko na talaga 'to kina Mama." hindi sya umimik at nagpatuloy lang sa pag iyak. Umalis na rin ako para bumalik sa Peach House.




Lio’s POV:




"How's Tita Vienna?" tanong sa akin ni Carlo nang dumalaw sya sa bahay. Dinalaw nya si Mama nang mabalitaan nitong may sakit ito.




"Over fatigue lang sabi ng doctor, pero maayos na sya ngayon, pahinga lang ang kelangan." Sagot ko habang nakamasid kami ni Carlo kay Mama na mahimbing na natutulog sa silid nito.




"Masyadong tinututok ni Tita ang sarili nya sa trabaho. Inaabuso nya ang katawan nya." Dahan dahan kong sinara ang pintuan nang makita kong maayos na si Mama sa silid nito.




"Kung ganoon, dito ka ba muna mag-stay?" Tanong nya habang pababa na kami ng hagdan.




"Ilang araw lang, hanggang sa bumalik yung lakas nya.” Sagot ko.




“Alam na rin ba ito ni Tito Virgillo?”




“Tinawagan ko na sya, tinatapos lang ni Dad yung mga kelangan nyang tapusin pagkatapos ay uuwi sya dito."




"Ayaw mo pa talagang umuwi at mag-stay dito kapag umuwi na si Tito Virgillo?"




"Bakit? Ayaw mo na bang nakikita ang pagmumukha ko sa Peach House?" Sagot ko, tumawa lang si Carlo.




His and Her Heartbeats [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon