Yannah’s POV:
Mga 7:30 ay nasa Peach House na ako. Ang aga ko ano? Paano ba naman, hindi ako nakatulog kagabi, madaling araw na yata ako nakatulog dahil buong magdamag kaming magkatext ni Lio.
Kahit yata wala akong ayos na tulog eh ang ganda pa rin ng gising ko.
Nagugustuhan ko na nga ba si Lio? Kahit pa palagi pa rin kaming nagtatalo at nag aaway.
Yung feelings ko naman kay Carlo, oo crush ko pa rin sya, hinahangaan ko pa rin sya. Si Lio, hindi ko man sya naging crush pero may iba akong naramdaman sa kanya na hindi ko naramdaman kay Carlo. OA na kung OA, hayaan nyo na ako dahil first time kong makaramdam ng ganito.
Nandito na ako sa kusina ng Peach House, nagrequest kasi si Lio na ipagluto ko daw siya ng fried rice ngayon nung magkatext kami kagabi. Sabi pa nya na para lang daw sa kanya yung lutuin ko at hindi para sa iba. Kadamutan talaga nung lalaking yun.
Pagkatapos kong magluto ay tinext ko na sya para bumaba na, ayaw ko na kasing umakyat sa taas.
To Lio:
Bumaba ka na dito, luto na yung almusal mo.
Pero nakalipas na ang kinse minutos ay hindi pa rin bumababa yung lalaking yun. Wala na, malamig na yung niluto ko. Mas masarap sana yun kainin kung mainit init pa.
Umakyat na ako sa taas para kalampagin yung pintuan ng kwarto nya. Pero syempre hindi ko ginawa, mamaya nyan sigawan na naman ako nun lalaking yun.
Kumatok lang ako ng tatlong beses saka pinihit yung door knob, pero ang magaling na lalaki ay tulog na tulog pa. Kaya naman pala.
Dahan dahan akong lumapit sa kama nya at pinagmasdan sya. Ganito ba talaga matulog ‘tong lalaking ‘to, walang kapoise poise, picturan ko kaya?
Napangiti ako ng may halong kasamaan.
Pero bago ko pa kunin yung cellphone ko ay pinagmasadan ko muna syang matulog, lalo na yung mukha nya. Hindi ko kasi sya matitigan ng matagalan 'pag gising sya.
Sa totoo lang, ang cute nya nga matulog eh nakadapa at nakaharap yung mukha nya sa bandang kanan kaya kitang kita ko yung mukha nya. Wala rin syang suot na damit, hindi ba sya nilalamig? Nakatodo pa yung aircon nya. Yung buhok nya gulo gulo tapos ito ang nakakatawa, nakanganga sya matulog.
Pinipigilan kong huwag matawa ng malakas dahil baka magising sya. Hindi ko na matiis kaya kinuha ko na yung cellphone ko sa bulsa ko at inilapit ng konti sa mukha nya saka sya pinicturan.
CLICK!
Shit! Nataranta ako kaya dali dali kong ibinulsa yung cellphone ko. Nakalimutan kong may tunog nga pala yung camera ko, hindi ko na off, ang lakas pa naman.
Bago ko pa maibulsa yung cellphone ko ay mabilis na nahatak ni Lio yung braso ko kaya naman nabuwal ako sa kanya.
“Lio ah!” pagkabuwal ko sa katawan niya ay inikot nya ako papunta sa tagiliran nya. Hinatak nya yung kumot at tinalukbong sa aming dalawa saka nya ako niyakap ng mahigpit. Pagkatapos yung isang binti nya ay dinagan nya pa sa akin.
“Lio, ano ba, baka may pumasok dito.”
Pilit akong kumakawala sa yakap nya pero lalo lang nyang hinihigpitan. Arg! Ramdam na ramdam ko yung init ng katawan nya dahil nga wala syang suot na damit. Pinihit ko yung ulo ko paharap sa kanya.
BINABASA MO ANG
His and Her Heartbeats [Completed]
Novela JuvenilHe is a cold hearted guy or should other says a heartless jerk. Siya yung taong hindi titigil hangga't hindi nakakaganti sa mga taong ginawan sya ng masama, yan si Lio Avestruz. A simple and a cheerful yet a tough girl. Minsan hindi nya nakokontrol...