Yannah's POV:
Nagising ako na namimilipit sa sakit ng puson. Maya maya ay nararamdaman ko na parang may lumalabas sa akin.
Kainis, ngayon pa talaga ako nagkaroon kung kelan Lunes na Lunes. Kaya naman pala hanap ako ng hanap ng santol kahapon saka ang init init ng ulo ko kay Kuya, magkakaroon na pala ko.
7:14 na ng umaga pero hindi pa ako bumabangon, tinatamad talaga ako dahil sa sakit ng puson ko. Ilang saglit lang ay may kumatok sa pinto ng kwarto ko.
"Yannah, hindi ka ba papasok sa part time mo? Anong oras na." sigaw ni Mama mula sa labas.
"Papasok ako Ma, sandali lang po."
"Bilisan mo na, ang bagal mo pa namang kumilos bata ka."
Pagkayari akong katukin ni Mama sa kwarto ko ay tumayo na rin ako at naligo. Ang sakit talaga ng puson ko, mamatay na yata ako sa sakit.
Nang nasa tapat na ako ng Peach House, hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Naalala ko na naman yung sinabi sa akin ni Lio nung Biyernes, hindi ko alam kung paano ko sya haharapin ngayon.
Nagpasya na akong pumasok na sa loob ng gate. Dahan dahan lang akong naglalakad habang nakayuko papunta sa Shop. Hindi ako kumportable sa bawat galaw ko dahil sa tuwing hahakbang ako ay parang may lumalabas ng lumalabas sa akin, pakiramdam ko hinahatak yung matres ko.
"Madadapa ka sa ginagawa mong yan."
Halos mapatalon ako sa gulat nang may narinig akong magsalita. Napaangat ako ng ulo at laking gulat ko nang makita ko si Lio sa harapan ko.
"I was the one who kissed you ... I think... I like you..."
"I was the one who kissed you ... I think... I like you..."
"I was the one who kissed you ... I think... I like you..."
Jusko! Eto na naman ang awkward atmosphere. Naaalala ko na naman yung sinabi nya. Utang na loob, tama na, naiilang na ako sa harapan niya.
"P-Papasok na ako sa loob." Yun na lang ang nasabi ko. Pakiramdam ko nangangamatis na yung mukha ko dahil sa pagkapula.
Umiwas na ako ng tingin kay Lio bago ako pumasok sa loob pero hinigit nya ako sa braso kaya napahinto ako.
Jusko!
Yung puso ko na naman at yung samut saring pakiramdam na naman na umusbong sa sangkatauhan ko.
Para na akong natatae na ewan, isama mo pa yung kumikirot kong puson. Napatangin ako kay Lio na dapat ay hindi ko na lang ginawa dahil titig na titig sya sa akin.
"M-May iuutos ka ba?" sabi ko na lang. Hindi pa din nya tinatanggal yung pagkakahawak nya sa braso ko.
"Wala, pinapaalala ko lang yung sinabi ko sayo, hihintayin ko ang sagot mo sa isang araw." Pagkasabi nya nun ay binitawan na nya ako at pumasok na sya sa kabilang side ng Peach House.
Sa isang araw na ba yun? Oo nga, pang limang araw na sa Wednesday. Ang bilis naman!
Pumasok na ako sa loob ng Fruit Shake Shop at nagsimula ng magtrabaho.
BINABASA MO ANG
His and Her Heartbeats [Completed]
Teen FictionHe is a cold hearted guy or should other says a heartless jerk. Siya yung taong hindi titigil hangga't hindi nakakaganti sa mga taong ginawan sya ng masama, yan si Lio Avestruz. A simple and a cheerful yet a tough girl. Minsan hindi nya nakokontrol...