Chapter 41:

1.9K 51 10
                                    

Yannah's POV:



Matatapos na ang sembreak at sa Lunes ay pasukan na naman. Namimiss ko na yung tatlo kong mga baliw na kaibigan. Mahigit dalawang lingo na rin nung huli kaming magkita kita. Hindi kasi ako gumala nung sembreak, kain tulog lang ang ginagawa namin ni Kuya.




Pero ang duga lang dahil umalis sina Mama at Ama, pumunta sila ng Batangas ngayon. May bubuksan daw kasing bagong bakery yung kapatid ni Ama, kaya titignan nila. Isinama nila si Kuya para magdala ng ibang mga gamit sa paggawa ng tinapay. Tapos ako iniwan dito sa bahay. Nakakainis! Inip na inip na nga ako dito sa bahay, hindi pa ako sinama.




Wala akong ibang ginawa kaya maghapon na lang akong nagtututulog. Inaya ko sina Luciel na matulog dito sa bahay dahil wala akong kasama, kaso lahat sila ay hindi pwede. Sana lang ay makatulog ako ng matiwasay ngayong gabi lalo na at wala akong kasama. Bukas pa kasi nang umaga ang balik nina nila.




Dahil sa wala na akong ibang magawa, binuksan ko na lang ulit yung facebook ko, baka nag-message na ulit sa akin si Lio. Pero pagbukas ko ay wala pa rin syang reply, nadismaya tuloy ako.



Nung wala naman na akong magawa sa facebook ko ay nag log out na lang ako at nagbasa na lang ako ng libro tungkol sa katatawanan.




Habang humahagalpak ako ng tawa sa binabasa ko ay biglang nag-vibrate yung cellphone ko. Hindi ko yon pinansin dahil nawiwili talaga ako sa binabasa ko. Pero nakakainis lang dahil naaagaw yung atensyon ko dun sa cellphone ko na panay ang pag vibrate. Gumulong ako ng kama para kunin ang cellphone ko. Nagulat na lang ako dahil si Lio yung tumatawag kaya sinagot ko na agad.




"Hello Lio."




[Bakit ang tagal mong sagutin?]




Himala, hindi nya ako sinigawan? Dati rati kapag natatagalan akong sumagot sa tawag nya eh sigaw agad ang inaabot ko sa kanya.




"Ah, ano kasi, nasa kwarto ko yung cellphone ko-ah teka? Nandito ka na sa Pilipinas?"




Ungol lang ang narinig kong sagot nya. Bakit parang ang tamlay nya?




"Bakit hindi mo man lang sinabi-"




[Nandito ako sa labas-]




Hindi ko na pinatapos yung sinasabi nya, nagmadali na akong lumabas ng kwarto ko. Kulang na lang ay liparin ko na yung labas para makita ko na si Lio. Miss na miss ko na talaga yung lalaking yun.




Nung natanaw ko na sya di kalayuan sa bahay namin ay tumakbo na ako papunta sa kanya.




"Lio!" pagkakita nya sa akin ay naglakad na din sya saka nya ako niyakap. Gumanti rin ako ng yakap sa kanya.




Hmmm... Ang bango naman nya, amoy imported, ang sarap singhot singhutin.



"Hindi masyadong obvious na na-miss mo ako." Sabi nya.




"Ikaw kaya dyan, sinugod mo nga agad ako ng yakap eh." sabi ko habang nakasubsob pa din sa napakabangong dibdib nya.




"Hindi naman kita namiss." napatigil naman ako sa pag ngisi ko sa dibdib nya dahil sa sinabi nya.




"Hindi pala ah-" kakalas na sana ako sa pagkakayakap sa kanya pero higpitan pa nya lalo yung pagkakayakap nya sa akin.




Tumawa lang siya. "Nagbibiro lang ako, hindi mo lang alam kung gaano kita na-miss." kunwari pa 'tong lalaking 'to. Hindi daw ako namiss pero kung makayakap matindi. Tumingala ako sa kanya habang nakayakap pa rin sya sa akin. "Totoo o pinagtitripan mo na naman ako?" Yumuko naman siya at ngumiti sa akin.




His and Her Heartbeats [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon