Yuan's POV:
Halos sumabog ako sa galit nang marinig kong sabihin nya iyon. Hindi ko alam kung paano ko pa sasabihin kay Yannah ito. Hindi ko alam pero parang ayaw ko ring harapin si Yannah, hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya.
Nagpalipas pa ako ng ilang minuto sa labas ng presinto. Alam kong wala ring magagawa sina Mama kapag nalaman nila ito pero karapatan nilang malaman ito.
Maggagabi na kaya bumili muna ako ng pagkain ni Yannah, nag ipon muna ako ng lakas ng loob para sabihin sa kanya ang lahat.
"Kuya ano na? Nasaan na si Lio, lalabas na ba ako?" bungad nya agad sa akin pagkatapat ko sa selda nila.
"Kumain ka na muna." Sagot ko.
"Kuya si Lio, hindi pa ba sya nakakabalik? Tinawagan mo na ba sya?"
"Yannah, ang sabi ko kumain ka muna."
"Sagutin mo muna yung tanong ko Kuya, makakalabas na ba ako ngayon dito o hindi pa?"
"Hindi pa kaya kumain ka na! Huwag mo nang asahan yung lalaking yun dahil wala syang kwenta!" hindi ko na napigilan at napasigaw na ako. Nagsimula na namang mangngilid ang luha sa mga mata nya.
"Iiyak ka naman? Wala ng magagawa yang pag iyak mo. Itinuloy ng magulang nya ang kaso laban sayo. At alam mo ba kung ano pa ang mas malala? Mas mabigat ang kaso laban sayo dahil ikaw ang pasimuno ng nakawan na iyon dahil sa ikaw ang nag utos. Mas mauunang makalaya ang dalawang lalaking kasabay mo. Ikaw, maiiwan ka dito at posibilidad na manatili ka dito hanggang anim na buwan. Nandito kanina si Lio, pero hindi ka nya magawang mailabas kahit pa nakausap na nya ang kanyang Ina. Wala ng magagagawa si Lio, hindi ka nya kayang harapin kanina kaya umalis na sya!"
"Hindi yan totoo Kuya, iharap mo sa akin si Lio. Sabi nya ilalabas na nya ako, nagsisinungaling ka lang Kuya. Hindi ako magtatagal dito dahil wala naman akong kasalanan, nasaan na si Lio?"
Tumalikod na ako dahil kahit ako, ayaw ko ng makita si Yannah na umiiyak sa loob ng kulungan. Ang buong akala ko ay makakalabas na rin sya. Halos gumaan na ang pakiramdam ko nang magpakita na si Lio kanina at sinabing kakausapin nya ang magulang nya para iurong ang kaso. Pero nang malaman kong walang nagawa yung lalaking yun at mas lalong lumala ang kaso ng kapatid ko, para akong nabuhusan ng malamig na tubig.
"Uuwi na muna ako, sasabihin ko na kina Mama ito." Sabi ko nang hindi sya hinaharap.
"Kuya! Kuya Yuan, ayoko...ilabas mo na ako ngayon dito. Isama mo na ako pauwi. Ayokong makulong ng matagal dito, Kuya Yuan!"
"Kumain ka na dyan, pagbalik ko dito, kasama ko na sina Mama." Hindi ko na nagawang humarap pa sa kanya. Nagtuloy tuloy na akong umalis at iniwan syang umiiyak sa loob. Wala ako sa sariling lumabas ng presinto. Hindi ko alam kung saan ako dinadala ng mga paa ko, ayaw kong iwan doon si Yannah pero ayaw ko naman na syang nakikitang umiiyak at nahihirapan sa loob.
***
Yannah's POV:
Dalawang araw na akong umiiyak pero hindi pa rin nauubos yung luha sa mga mata ko. Iniisip ko na panaginip lamang itong nangyayari sa akin. Wala naman akong ibang ginagawa pero pagod na pagod at hinang hina ang katawan ko. Hindi ko alam ang mangyayari kapag nalaman ito nina Mama. Malamang sa mga oras na ito ay nasabi na ni Kuya kina Mama ang kalagayan ko at papunta na sila dito.
BINABASA MO ANG
His and Her Heartbeats [Completed]
Teen FictionHe is a cold hearted guy or should other says a heartless jerk. Siya yung taong hindi titigil hangga't hindi nakakaganti sa mga taong ginawan sya ng masama, yan si Lio Avestruz. A simple and a cheerful yet a tough girl. Minsan hindi nya nakokontrol...