Chapter 33:

2.3K 49 12
                                    

Yannah’s POV:



“Yannah, kanina pa kita hinihintay.” yan agad ang bungad sa akin ni Carlo pagkapasok ko ng Shop. Bakit kaya nandito si Carlo? Hindi kaya sya pumasok?



Tatanggalin na ba nya ako? Ok lang, nakahanda naman na ako kahit ayaw ko pa sana.




Pinaghatak pa ako ng upuan ni Carlo para sa uupuan ko. Pagkaupo ko ay umupo na din siya sa tapat ko. Naalala ko na naman yung sinabi ni Lio sa akin.




-Flashback-



“Magresign ka na sa Shop ni Carlo.”




“Ha? Pero—“




“Ako na ang magbabayad ng tuition mo sa Summer Class mo.”




“Naku, hindi na, huwag na.” sagot ko.




“Magreresign ka na?”




“Lio... kasi sa totoo lang, nahihiya na nga akong pumasok dahil sa nangyari sa amin ni Ynah, pero kasi, nag e-enjoy ako sa trabaho ko sa shop ni Carlo.”




“Nag e-enjoy ka sa trabaho mo sa Shop o nag e-enjoy ka sa may ari ng Shop?!”




-End of Flashback-




Adik talaga yung Lio na yun. Kung ano ano ang pinag iisip.




Oo dati yun, bukod sa may part time na ako eh masaya ako dahil kay Carlo. Pero dati yun, hindi na ngayon dahil iba na yung nararamdaman ko. Oo crush ko pa rin si Carlo pero iba na nga yung tingin ko kay Lio.




Pero sa totoo lang nageenjoy talaga ako sa trabaho ko sa Shop, saka totoo yung sabi ni Lio, nakakarelax sa Peach House kaya ayaw kong umalis dun. Pero mukang ito na nga yun, kakausapin na ako ni Carlo para paalisin na ako sa Shop nya.




Ano kaya kung unahan ko na si Carlo magsabi na magreresign na ako, para hindi naman kahiya hiya sa parte ko. Pero syempre mag sosorry muna ako.




“Ahm sorry/Sorry.” Pareho kaming nagulat ni Carlo ng sabay kaming magsabi ng sorry sa isa’t isa. Natawa tuloy kaming dalawa.




“Ok ikaw muna.” Natatawang sabi ni nya.




“Hindi ikaw na.” Sagot ko naman.




“Ikaw na, ladies first.” sabi ulit ni nya. Wala na akong nagawa kaya ako na ang unang nagsalita.




“Sorry ah, kasi ako yung pinagmulan ng eskandalo dito sa Shop kahapon kaya nagalit sakin yung pinsan mo. Tatanggapin ko din kung magalit ka sakin Carlo, saka ok lang kung tatanggalin mo na ko, hindi sasama ang loob ko.”




“Ha? Anong sinasabi mo? Hindi naman kita tatanggalin” sabi nya.




“Ha? Eh yung ginawa ko kasi, nakakahiya. Sorry talaga dun Carlo ah.”




“Ano ka ba, ako nga dapat ang humihingi ng sorry sayo, sa ginawa ni Ynah. It was Ynah’s fault, hindi nya talaga kayang pigilan ang sarili  nya kapag galit sya.” paliwanag ni Carlo. Tinamaan naman ako dun, parang ako lang yun ah, hindi ko mapigilang manapak kapag nagagalit ako.




“Hindi ka galit sakin? Saka hindi mo ko tatanggalin?” tanong ko, lumapit ako sa kanya ng kaunti.




“Hindi, bakit ko naman gagawin yun?” tumawa si Carlo at pinisil ako sa ilong. Nabigla ako sa ginawa niya. Nung inalis na nya yung pagkakapisil nya sa ilong ko ay hinawakan ko yung ilong ko tapos narinig ko ulit syang tumawa.




His and Her Heartbeats [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon