Karlean's POV:
"Lio, meron na ba?" gusto kong malaman, gusto kong malaman kung may ibang babae na bang nagpapatibok sa puso nya. "M-Meron na bang babaeng nagpapasaya sayo?"
"Anong pakealam mo?" hindi matanggal ang pagkakunot ng noo nito, muli syang bumaling ng tingin sa labas. Sa hitsura ng upo, tingin at pananalita nya ay parang ayaw na ayaw nya akong makausap. Alam kong napilitan lang sya sa pagpunta dito. Inaamin ko, wala naman talagang ginawa si Lio kung hindi iwasan, sungitan, samaan ng tingin at sigawan ako. Pero hindi ko malaman laman sa sarili ko kung bakit nahulog at minahal ko sya ng ganito. Pero isa lang ang alam ko, kapag nakikita ko sya o nararamdaman ko ang presensya nya, si Jipper ang nakikita ko sa kanya. Mas lalo pang tumindi ang nararamdaman ko sa kanya nang muli ulit kaming magkita, sobrang laki ng ipinagbago ng hitsura at pangangatawan nya.
Malaki na rin naman ang ipinagbago ko pagdating sa pangangatawan, pinursigi ko talagang pagandahin ang aking sarili dahil pinaghandaan ko talaga ang pagkikita naming muli ni Lio. Aaminin ko, maraming nagtangkang manligaw sa akin pero lahat iyon ay hindi ko pinansin dahil sinasabi kong meron na akong boyfriend at nakatakda na kaming ikasal kapag nakapagtapos na kami ng pag aaral. Iyon naman talaga ang sabi sakin ng mga magulang ko at gayundin din ng Mama ni Lio.
Akala ko sa pagbabalik ko, mapapansin na Lio ang pinagbago ko. Pero nagkamali ako, ganun pa rin kung tratuhin nya ako. Pero wala naman na syang magagawa, ikakasal na kami at nalalapit na iyon.
"Ahm, what do you want to eat?" ngumiti ako at hinawakan yung menu na nasa table. Nakita ko syang tumingin sa relo nya at umayos ng upo.
"Kumain ka na kung nagugutom ka na, bilisan mo lang." sabi nya, pinagsalikop nya lang ang mga braso nya.
"Hindi ka kakain?" tanong ko. "Ayaw mo ba dito? Gusto mo bang lumipat tayo sa iba? Saan mo ba gusto?"
Humugot sya ng malalim na buntong hininga habang nakakunot pa rin ang noo nito. "Sa tingin mo gaganahan akong kumain nang kaharap ka? Kumain ka kung gusto mo, hihintayin na lang kita sa kotse." Tatayo na sana sya sa kinauupuan nya pero hinawakan ko sya sa braso para pigilan. Gusto na talagang kumawala ng mga luha ko sa mga mata ko. Tinitigan nya lang ako at inirapan saka pabagsak ulit na umupo.
"Fine!" sabi nya at padabog na kinuha ang menu.
Pagkatapos kong kumain ay umalis na din kami ni Lio sa restaurant na iyon. Ako lang ang kumain dahil kahit na umorder si Lio ng pagkain ay hindi naman nya ito ginalaw, pinaglaruan nya lang ang pagkain nya gamit ang tinidor.
Panay ang sulyap ko kay Lio habang seryoso syang nagmamaneho. Ang kanang kamay lang nya ang nakahawak sa manobela at ang kaliwang braso naman nya ay nakatukod sa bintana ng kotse. Maya maya ay may narinig akong tunog ng cellphone. Inalis ni Lio ang pagkakatukod ng kaliwang braso nya at iyon ang pinanghawak nya sa manobela. Dinukot nya ang cellphone nya sa bulsa ng pants nya. Saglit nyang sinulyapan yun at ibinalik din sa bulsa. Nang nag-stop ang traffic light ay umupo sya ng ayos at dinukot ulit yung cellphone nya. Sa mahabang panahon ng paghahabol ko sa kanya, ngayon ko lang nakita na may sumilay na ngiti sa mga labi niya. Saglit lamang iyon pero lumakas agad ang kabog ng dibdib ko. Saglit pang sumilay ang ngiti sa mga labi nya habang pumipindot siya sa kanyang cellphone.
Gusto kong malaman kung sino yung nagtext kay Lio. Sino yung taong nagpapangiti sa isang Lio Aveztruz?
Yannah's POV:
BINABASA MO ANG
His and Her Heartbeats [Completed]
Teen FictionHe is a cold hearted guy or should other says a heartless jerk. Siya yung taong hindi titigil hangga't hindi nakakaganti sa mga taong ginawan sya ng masama, yan si Lio Avestruz. A simple and a cheerful yet a tough girl. Minsan hindi nya nakokontrol...