Chapter 39:

1.9K 53 9
                                    

Yannah's POV:



"Hindi ka pa ba tapos?"



"Sige mauna na kayo, maghanap na kayo ng kakainan natin."Nandito kami nina Cristina sa mall, dumaan na rin kami sa National Bookstore para bumili ng yellow paper dahil tuwing exam na lang ay para kaming nangangandidato dahil iniikot namin ang buong classroom makahinge lang ng papel.



Umalis na sina Luciel at Jose para maghanap ng kakainan namin. Pustahan tayo, kakahanap kakahanap nyan, sa Jollibee o kaya McDo ang parin bagsak namin.



Naiwan kami ni Cristina dito sa NBS na nakapila para magbayad.



"Uy maniningin lang ako ng mga libro ah, dun mo na lang ako puntahan kapag nakapagbayad ka na." Tumango lang sa akin si Cristina, nagsimula na akong magtingin tingin ng libro.



"Oh, look who's here? Malanding mang aagaw spotted." Napatingin ako sa babaeng huminto sa bandang gilid ko.



Si Ynah? Ang dami nya lang binabansag sa aking pangalan. Pero teka, parang pamilyar sa akin yung mukha nung babaeng kasama nya. Saan ko nga ba sya nakita?



"Oh girl, sya yung sinasabi ko sayong kasama ni Lio sa RAVE, yung kaholding hands nya." sabi nung babaeng kasama ni Ynah. Sabi na eh, kaya mukhang pamilyar sa akin yung mukha. Isa sya sa mga babaeng nakita ko na may kasamang bakla sa RAVE, yung mga nag uusap habang masamang nakatingin sa akin. Kaibigan pala sya ni Ynah, sya siguro ang nagsabi kay Ynah na magkasama kami ni Lio at magkaholding hands pa.



"Alam ko, hindi ako bulag. Anong silbi ng Pure Hazel Air Optic Contact Lenses na suot ko kung hindi ko yan makikita? Ang kapal kaya ng mukha kaya kitang kita.” mataray na sa sagot ni Ynah.



"Kung ganoon, totoo nga..." sabay tingin sa akin nung kasama ni Ynah mula ulo hanggang paa. "...na yan ang  girlfriend ni Lio?"



Kung makatingin naman sila sa akin, eh di sila na ang maganda at mukhang mamahalin ang mga pananamit. Para bang gustong palabasin nung babae na ang pangit pangit ko para maging girlfriend ni Lio. Kahit hindi nya sabihin ay nararamdaman kong yun ang sinasabi nya sa utak nya.



"Pinatulan sya ni Lio? Ang pangit pangit nya saka mukhang ang cheap cheap nyang babae." Sinasabi ko na nga ba eh, yun yung nasa utak nya.



"She's not Lio's girlfriend, she's just a slave. Ikaw na rin ang nagsabi na ang pangit pangit nya tapos papatulan say ni Lio? In her dreams! Lio is only mine." Kahit yung kasama ni Ynah yung kinakausap nya ay sa akin pa rin sya nakatingin habang nagsasalita.



"Then why they were holding—"



"Shut up! I said she's not Lio's girlfriend!" grabe lang sa pagkamaldita nitong pinsan ni Carlo, pinsan nya nga ba talaga ito? Buti at may nakikipagkaibigan pa dito.



"At ikaw?" sabay baling nya sa akin, napatingin sya sa bracelet na nasa braso ko. Bigla nyang hinaltak ang braso ko at tinignan yung bracelet na suot ko. Pati yung kasama nya ay nakatingin din doon.



"Gosh, hindi ba yan yung binili—" napatigil magsalita yung kasama ni Ynah nang titigan nya ito ng masama. Pabatong binitawan ni Ynah ang braso ko at saka padabog na umalis. Sumunod na rin yung kasama nya, pero bago ito umalis ay binigyan ako ng nakamamatay na tingin sabay irap.



Madapa ka sana.



Napahawak ako sa braso ko dahil muntik na itong matanggal mula sa pinagkakabitan nito. Napupuno na talaga ako dyan sa pinsan ni Carlo na yan eh. Konti na lang talaga at mapapatulan ko na yun.



His and Her Heartbeats [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon