--Angeli--
''Whirlwind!'' sigaw ko at lumikha ang aking guardian na si Dustos na mala ipo-ipong hangin at agad ibinato sa kalaban niya na isang guardian na nagngangalang Deimata, kaharap ko ngayon ang isang babaeng stone holder na nagngangalang Bia.
''Dark Pulse!'' sigaw niya at ang kaniyang anino ay patakbong sumugod kay Dustos, akmang aabutin na niya ito, kaagad namang lumipad pataas si Dustos upang maiwasan ang nagawang pag atake.
''Mahusay Flying Stone holder, may angking talento ang guardian mo.'' sabi sa akin ni at pumapalakpak pa.
''para sa pagtatapos! Dustos Rise! Oblivion Wing!'' sigaw ko at bumulusok pababa patungo kay Deimata si Dustos at isang malaking pagsabog ang naganap sa open field.
''Mahusay ka Angeli.'' sabi sa akin ni Bia habang kumakain ng berry salad.
''Wala yun, haha, maliit na bagay! ayos lang ba si Deimata?'' tanong ko.
''Nagpapahinga sya.'' sabi naman ni Bia.
Si Bia ay nakilala ko sa aking paglalakbay, nakita ko syang nagmumuni sa dulo ng bundok, inakala ko nung una na tatalon ito, nataranta ako, hinila ko sya ng buong pwersa upang mapalayo sya sa bangin na ikinagulat niya naman.
FLASHBACK
"ah! ang sakit naman!'' sigaw ni Bia habang hinihimas himas ang kaniyang balakang.
''ahh! pasensya na talaga! akala ko talaga magpapatiwakal ka na!'' sabi ko habanag hawak hawak ang kamay nya at hinihimas himas din ito.
''kalimutan nalang natin, ako nga pala si Bia. Ikaw?'' tanong niya sa akin.
''Ako naman si Angeli, isa akong --'' di na natuloy ang sasabihin ko nang bigla siyang magsalita.
''Stone holder, ako rin, Ikinagagalak kitang makilala, Angeli the Air Stone holder.'' sabi niya, hindi naman ako makapaniwala sa aking mga narinig.
"Ang galing mo naman! paano mo nalaman, siguro sadyang magaling ka lang! Anong klaseng holder ka?'' tanong ko kay Bia.
''Dark stone holder.'' casual niyang sabi.
''May wish karin sigurado, anong hiling mo sa guardian mo?'' tanong ko.
''Ang ibahin ang mundong ibabaw.'' Sabi niya.
''Ako, hmmmmm... parang pareho lang din tayo.'' sabi ko sa kaniya.
''E kung magtulungan tayo nang sa ganoon ay matupad ang hiling nating dalawa.'' sabi niya nang nakangiti.
''Sige, magandang ideya yan Bia, simula ngayon magkaibigan na tayo.'' Sabi ko, at niyakap ko sya.
END OF FLASHBACK
"Ano nang plano natin Bia?'' tanong ko sa kaniya.
''Hanapin natin ang kapwa nating mga stone holders at kumbinsihin silang sumama sa atin, nang sa ganon ay matupad lahat ng mithiin natin, pero kailangan nating magmadali, alam kong may mga rebeldeng stone holders ang naglalakad pasulong para sirain ang kahilingan natin.'' pagpapaliwanag niya, siguro tama sya, kailangan naming magmadali nang sa ganun ay maunahan namin ang mga rebeldeng tinutukoy niya.
''tara na pala! Dustos!'' sigaw ko habang hila hila si Bia.
''Masususnod.'' Sabi ni Dustos.
Lumitaw si Dustos at sumakay kami sa kaniyang likuran at nagsimulang lumipad.
Nilakbay namin ang malalayong lugar, nilagpasan ang matatayog na bulubundukin, dinaanan ang mga salaming tubig ng karagatan at nagpakasaya habang naglalakbay sa himpapawid.
BINABASA MO ANG
The Crimson Stone
AdventureCrimson Stone, o kilala sa mga nakakatanda na ang ''Jewel of Life" ang may dahilan kung bakit mayroong uniberso at nagbibigay buhay sa mundo. Pinakaingat inagatan ito ng mag tagapagbantay sa isang kastilyong kung tawagin ay ang The Excalibur, isang...