--Kyo--
''Bia.'' Sambit ni Bia sa kaniyang sarili.''Andito ako para sunduin ang aking magiging alagad.'' Dagdag nito at nakalakap ang kamay kay Yosh.
''S-sino siya?'' Tanong ni Yosh sa akin, halatang hindi niya kilala ang babaeng nasa harapan niya.
''Sumama ka na sa akin, dali!, matutupad ang lahat ng ninanais mo.'' Kung ano anong kasinungalingan ang lumalabas sa bibig ni Bia, at pinipilit abutin ang kamay ni Yosh na nagtataka oarin kung sino siya.
''Wag kang sasama sa kaniya! Masama siya!'' Sigaw ni Eri sabay hatak sa kamay ni Yosh palayo kay Bia.
''Ako? Masama?! MATAGAL NA! HAHAHAHA!'' Pagtawa ni Bia at ito'y rinig na rinig sa buong palihid, nabalot ito ng itim at makapal na usok.
''Ano ba siya?!'' Naguguluhang tanong parin ni Yosh.
''Akin na yang bato!'' Sigaw ni Bia at patakbong sumugod kay Yosh.
Makukuha na sana ni Bia ang bato sa kamay ni Yosh nang bigla siyang tumalsik sa pagkakatama nito sa malaking buntot ni Granitio. ''Hanggang dyan ka lang.'' Sabi ni Granitio.
''Pwes! Deimata!, sugurin siya!'' Sigaw ni Bia at agad sumulpot si Deimata at sinugod si Granitio.
Pero bago pa man matamaan ni Deimata si Granitio ay nakagawa na ng isang malaking bolang gawa sa tubig at ito'y nagsilbing panangga ni Granitio sa atake ni Deimata.
''Ikaw ang isusunod ko, Water Guardian.'' Sabi ni Deimata at nanlilisik ang mata na nakatingin kay Aquos.
''Aquos! Mag iingat ka!'' Sigaw ni Eri kay Aquos, tinanguan naman siya nito.
''Dark Matter!'' Sigaw ni Deimata at lumikha ng isnag itim na beam at itinira kay Aquos, sa kabutihang palad naman ay nakailag siya rito.
''Hydro Cannon!'' Sigaw ni Aquos at itinira kay Deimata ang dambuhalang wave ng tubig na nagmumula sa kaniyang bibig, hindi na nagawa pang ilagan ito ng Dark Guardian dahil masyado malaki ang malahiganteng alon ng tubig na atake ni Aquos.
''Gyro Ball!'' Sigaw ni Granitio, lumikha ito ng maliit na sphere na gawa sa hangin sa metal, at ibinato ito kay Deimata, gaya rin ng inaasahan ay tinamaan siya nito.
''Dalawa sa isa?, hindi ko kayo uurungan.''masayang sabi ni Deimata.''itatlo mo na, kasama ako.'' Dagdag ni Areus.''''Magiingat ka Areus.'' Sabi naman ni Calem.
''Pwes! Full Mode!'' Sigaw ni Deimata, at nabalot ito ng makapal na itim na usok.
Nawala na ang usok na bumabalot sa Dark Guardian, ang itsura nito ay purong itim, nakakabulag na kadiliman, at ang tanging nagliliwanag lang ay ang pulang nanlilisik na mata nito.
''Arc Aura!'' Sigaw ni Deimata at itinutok ito kay Granitio, natamaan niya ito at ang Steel Guardian ay bumagsak sa lupa.
''Granitio!'' Tanging nasambit ni Yosh habang papunta sa sugatan na Steel Guardian.
''Iyan lang ba ang kapangyarihan ng Steel Guardian?, napakahina, ikaw naman Water Guardian ang aking isusunod.'' Mahinahong sabi ni Deimata at humarap kay Aquos.
''Aquos, mag iingat ka.'' Sabi ni Eri.
''Water Sport!'' Sigaw ni Aquos at nagpakalat ng tubig sa buong paligid.
''Ano iyan?, Iyan na ba ang sikreto mong atake sa akin?'' Natatawang tanong ni Deimata.
''Hindi pa ako, tapos Dark Guardian.'' Sabi ni Aquos. ''Weather Ball!'' Sigaw ni Areus at naghagis ng sphere paitaas, at umulan nang pagkalakas lakas.
''Rain Dance!'' Sigaw ni Aquos at patakbong sinugod si Deimata, natamaan niya ito ng direkta sa pamamagitan ng headbutt.
''Ah! Ano iy-iyon?'' Nahihilong tanong ni Deimata matapos masaktan sa atakeng nilikha ni Aquos.
''Hindi dahil naka full mode ka e malakas ka na, Dark Guardian, malakas ka sana, hindi ka lang nag iisip.'' Sabi ni Aquos kay Deimata.''Anong sinabi mo?!'' Sabat ni Bia.
''Para matapos na ito! Hyper Beam! ''Sigaw ni Areus at tumama ito kay Deimata.
''Dream World.'' Sambit ng isang babae babae na biglang lumitaw sa tabi ni Bia.
Isang babaeng kulot ang buhok, maputi ang balat at maamong mukha ang biglang lumitaw sa tabi ni Bia, mukhang lunod kalungkutan ang taong ito, katabi niya si Bia at naghawak sila ng kamay.
''Mabuti naman at dumating ka na.'' Sabi ni Bia.''Paumanhin, nahuli ako.'' Sabi ng misteryosong babae. ''Deimata! Tara na!, umalis na tayo rito!'' Siga wni Bia at kaagad silang nawala, tanging ang misterysong babae lang ang naiwan.
''S-sino ka naman?!'' Tanong ni Yosh sa matigas na tono.
''Piriluk. Dream Chant.'' Sabi ng babae sa mahinahon na boses at nabalot ng puting usok.
''Piriluk?''tanong ni Calem. Ako lang ang makakasagot sa kaniya.
''Piriluk, pangalan iyon ng isang Guardian, at sa tingin ko, ang babaeng iyon ay isang stone holder na pumanig kay Bia.'' Sabi ko at natahimik silang lahat sa kanilang narinig.
BINABASA MO ANG
The Crimson Stone
AdventureCrimson Stone, o kilala sa mga nakakatanda na ang ''Jewel of Life" ang may dahilan kung bakit mayroong uniberso at nagbibigay buhay sa mundo. Pinakaingat inagatan ito ng mag tagapagbantay sa isang kastilyong kung tawagin ay ang The Excalibur, isang...