Chapter 33: Hooded Figure

23 4 0
                                    

--Calem--

Isang tao ang nababalot ng itim na tela ang nasa aming harapan. Ito ang nagpatalsik kay Deimata, wala akong ideya kung sino ito.

"Bagong karakter ng mga bida." Sambit ni Bia.

"Magpakilala ka." Sabi ni Papa.

Tinanggal nito ang bumabalot sa kaniya, isa itong babae at nang humarap ito sa amin..

"Marie?" Tanong ni Ate Eri.

"Patawarin nyo ako sa pagkawala ko." Sabi niya at agad na sumugod kay Bia.

Hindi kami makapaniwala sa aming nakikita, nakakatalon siya ng napakataas. At nasasalag ni Bia ang mga sipa ni Marie sa kaniya.

"Sacrifice." Sabi ni Areus.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kaniya.

"Napansin ko, ipinalit ng Poison guardian ang kaniyang buhay upang makalakad muli si Marie, kaya sya nakakatalon ng ganyan kataas." Sabi ni Areus.

Hindi talaga kami makapaniwala sa aming mga nakikita dahil hindi rin namin matanggap na wala na ang Poison guardian na si Milulun.

"Hindi kita mapapatawad!" Sigaw ni Marie.

"Hindi ko kasalanang nawala ang Poison guardian Marie. Ako pa ang tumulong sayo noong nawalan ka na ng pag asa." Sabi naman ni Bia at nakangiting sinasalag ang mga sipa sa kaniya ni Marie.

"Sinungaling!" Sigaw ni Marie at matagumpay na nasipa nito sa pisngi si Bia at ito'y tumalsik sa lupa.

Agarang tumayo si Bia at pinunasan ang pisngi nito, nakangiti parin sya at pawang walang dinanas na sakit.

"Hindi naman ako haharap sa basurang tulad mo Marie. At napakainutin ng Poison guardian at ipapagpalit niya ang buhay niya sa walang kwentang tulad mo." Sabi ni Bia at inatake si Marie ni Deimata na siyang itinilapon nito sa aming gawi.

"Marie! Nasaktan ka ba?" Tanong ni Ate Eri.

"Wala to, ito na ang pagkakataon nating talunin si Bia." Sabi ni Marie sa amin.

"Hindi niyo ko kaya! Magsilabas ang akong mga kakampi!" Sigaw ni Bia.

Isang babae ang lumitaw sa tabi ni Bia.

"Ang Flying stone holder kasama ang Fying guardian, si Dustos." Sabi ni Kuya Kyo.

"Ikinagagalak ko kayong makilala, ako nga pala si Angeli, handang tumapos sa inyong lahat." Sabi ni Angeli, hindi niya yata alam na pinapaikot lang din siya ni Bia.

"Ngayon na! Open!" Sigaw ni Bia.

At nagliwanag ang paligid, nasa open field kami at ang nakakapanibago ay kaming mga stone holders ang lalaban sa dalawa.

"Tatlo laban sa dalawa! Kayang kaya!" Sigaw ni Angeli.

"Ngayon na! Piriluk! Rise! Hypnosis!" Sigaw ni Ren at ito'y nakatapat kay Angeli.

"Rise! Whirlwind!" Sigaw ni Angeli at ipinagaspas ang atake ni Piriluk sa ginawang pag atake ni Dustos.

"Bakit ganito Kyo?! Bakit hindi ako kasali?!" Sigaw naman ni Marie sa protected area.

"Tanging ang mga stone holders and guardians ang pwedeng lumaban sa open field." Savi naman ni Kuya Kyo at natahimik na lamang ito.

"Rise! Water Pledge!" Isang barrier ng tubig ginawa ni Aquos upang protektahan ang tatlo sa gagawing pagatake ni Dustos at Deimata.

"Ren, Calem. Pagkakataon na natin ito." Sabi naman sa amin ni Ate Eri.

"Rise! Psychic!"
"Rise! Surf!"
"Rise! White Hope!"

Sigaw naming tatlo at isang liwanag ang tumungo sa direksyon ng dalawa.

"Mahusay!" Sigaw ni Angeli at nawala ang aming ginawang pag atake sa kanila na parang bula.

"Iyan na ba ang tinatagong lakas ng Psychic, Water at Normal?" Tanong naman ni Bia.

"Nakukuha ko na, ang ability no Dustos ay pagalawin ang vinration ng hangin at sa dinadaanang hangin ng atake ng tatlo, napapahinto noya ang mga vibrations nito para mapawalang bisa ang atake nila. Hindi basta bastang guardian si Dustos at may angling talibi ang stone holder nito." Pagpapaiwanag ni Kuya Kyo.

"Mali ito Calem!" Sigaw ni Areus.

"Katapusan niyo na! Deimata! Black Aura!" Sigaw ni Bia.

Parang narinig ko na iyon.. Black Aura.

The Crimson StoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon